[Chapter 22: Ice Cream]

1.6K 36 0
                                    




Katniss' Point of View

"Ooops..." Nahulog ang isang box na hawak ko at buti na lang nasalo ni kuya Logan.

"Ingat lang... Wala ka bang katulong? Dapat di na ikaw ang gumagawa nyan." Umiling lang ako sa kuya Logan at nginitian ito.

"Ok lang po ko. Sige po una na ko." Naglakad na ko papunta sa kwarto ko at narinig ko pa ang huling sinigaw nya. "Tatawag ako ng makaktulong mo." Nagkibit balikat na lang ako sa sinabi ni kuya Logan saka tuluyan ng pumasok sa room ko. Binaba ko ang mga box sa kama ko at tinignan ang mga ito habang nakapamewang. Malalaki kasi ang mga box at tatlo pa lang ang nabubuhat ko.

"Hayyy...." Napakamot batok na lang ako dahil sa madami pa ang natitirang mga box ng regalo sa sala.

Mga regalo para kila ate Gia dahil malapit na ang kasal nila ni kuya Logan.

Saka, yung mga katulong sa busy sa paglilinis at saka di ko na sila inabala para maging katulong ko sa pagbubuhat. Para na din makabawi ako kila ate Gia. Phew...

Bumaba na ulit ako ng sala saka nagbuhat ng mga box at maglalakad na sana paalis pero pagtalikod ko ay may nabangga ako. "Aish... Sorry po." Napakagat labi ako ng marinig ko ang pagdaing nya.

Di ko naman kasi sya nakikita dahil halos matakpan na ng box ang mukha ko.

"Silly kitty." Napakunot ang noo ko sa sinabi nya.

Tinawag pa talaga akong silly kitty! Tsk.

"Ang dami-dami mong binubuhat pero di mo naman kayang dalin." Sabi nya ng muntik ko na naman mabitawan ang mga box.

*gulp*

Ngayon ko lang na realize na nakahawak pala sya sa dalawa kong kamay at inaalalayan din ang box. Parang nanlamig ang mga kamay ko at di ako makagalawa! Err.... "Ehem.." Napalingon ako kay ate Gia na nakangisi ng nakakaloko kaya agad akong napaatras kaya nabitawan na nung lalaki ang kamay ko at saka na ko pumunta sa room ko at di na sila nilingon.

Ok, Katniss. Inhale, exhale.... Phew..... Nakakaloko talaga si ate Gia! Lalo na kapag nakikita ko yung mga malisyoso nyang ngisi. Err...

~*~

Zix's Point of View

"Ate Gia." Lumapit na ko kay ate Gia at niyakap ito habang sya naman ay may nakakalokong ngiti parin.

"What's with that smirk?" Nagkibit balikat lang sya at walang sinabing tinapik ang balikat ko at umalis na. Ganun ba talaga ang mga buntis? Ano bang trip nun? Wala sa sariling napatingin ako sa dalawang palad ko. That girl. Feeling ko nakita ko na sya. Jer scent is so familiar and her voice. I shook my head and started to carry the boxes. Saan ko na nga ulit to dadalin?

Napakamot batok na lang ako at tinawagan si kuya at tinanong kung saan dadalin ang mga regalo nila.

Tss. Ang dami-dami ni lang katulong pero sakin at doon sa babae kanina nila pinapabuhat ang mga to?

Umakyat na ko at papasok na sa kwarto ng may biglang sumagi sa isip ko. Yung babaeng nakita ko din dito sa mansyon na nasa gym at yung babae kanina, iisa lang kaya sila? Saka, paano ba napunta dito yun? Wala ding nasasabi si kuya Logan na may kasama na sila dito. Tsk.

Napaatras ako ng bumukas ang pinto at halos parehas kaming nanlaki ang mga mata ng makita ang isa't isa.

"A-anong ginagawa mo dito?" Nakaduro nyang tanong sakin.

"Ako dapat ang nagtatanong sayo nyan." Malamig kong sambit sa kanya saka pumasok ng kwarto at binaba sa kama ang mga regalo. Aish... Nakakangawit yun ah..

Tumingin ako sa kanya  na ngayon ay nakatalikod at nasatapat pa rin ng pintuan na bukas at nakatalikod sakin. Ano bang ginagawa nun? "Tinatanong kita di ba? Anong ginagawa mo dito sa bahay nila kuya?" Umikot sya at kagat labing humarap sakin. "A-ah... Kasi... K-kasi dito ako nakatira." Sabi nya habang nakayuko at nakabulsa ang dalawang kamay sa back pockets nya.

Napaismid na lang ako sa babaeng to.

"Bakit ka dito nakatira? The last time I checked, may mag fiancé at mga maids at guards lang ang nakatira dito."

I saw her stiffness and bit her lower lip again. Napaiwas na lang ako ng tingin at napasinghap. Bakit nya ba yun laging ginagawa? "Ah... Eh... Kaibigan kasi ni a-ate Gia ang ate ko?" Sagot nya na patanong kaya napabuntong hininga na lang ako at naglakad palabas ng kwarto na yun.

"Psshh... Stop your lies. Bumalik na lang tayo sa baba para matapos na ang pagbubuhat ng mga regalo." Mahina lang syang tumango at sumunod sakin palabas ng kwarto. Alam ko namang di totoo ang mga paliwanag nya at sobrang di ako kumbinsido.

***

Ilang minuto din naming tinapos ang pagbubuhat at halos walang nagsasalita samin. Hanggang sa basagin nya ang katahimikan.

"Uhhmmm.... Alis lang ako saglit." Paalam nya na tinanguan ko lang at walang ganang umupo sa sofa. Aish... Nakakapagod din yun ah? Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang message ni Dylan sakin.

From: Dylan

We already received the invitation yesterday. ;)
Training?

Nagkibit balikat na lang ako sa message at saka binaba ang phone ko ng mapansin kong nakaupo na sa tabi ko yung pusa. When I said 'pusa' it means yung babae. Ano na nga ulit ang pangalan nya? Kat? Kat...Ni?? Nidalee? Ahhh... Oo, Nidalee. Saan ko ba narinig yung Kat na yun?

I was back to my senses when she held me a bowl. "Ice cream." Nakangiti nyang inabot sakin ang rocky road ice cream na tinanggap ko naman.    

"Thanks." Nginitian nya lang ako at saka tumango.

Sumubo na ko sa ice cream at napalingon ulit sa kanya ng may maalala ako. "You and Dylan. Anong relasyon nyo?" Nasamid pa sya sa kinakain nya at napaubo ng bigla ko syang tinanong. "Silly kitty." Naiiling kong sabi saka ngumisi. Nakabusangot syang tumingin sakin at binaba ang hawak nyang bowl.

"Excuse me? Me and Dylan are just friends. Ok?" Wika nya at di makapaniwalang umiling.

Nagkibit balikat lang ako. "I'm just confused about the closeness of the two of you.

"Ikain mo na lang yan." Natatawang wika nya at saka kumain ng ice cream.

[][][]

Katniss: The Lost Princess of Sheridan ClanWhere stories live. Discover now