[Chapter 17: Lions Den]

1.8K 38 0
                                    




~*~

Sinabi ko bang masiyahin din ang mga tao sa bahay nila Amber? Ghod!

Their mansion looks like a Lions Den! Grabe ang creepy sa pakiramdam.

Ang dark ng aura ng buong mansyon mula pa lang sa labas at ang mga taong nakakasalubong namin ay napaka seryoso ng mga mukha. Pero kapag tumitingin ako kay Amber cool na cool lang ang asta nya. Aish!

Pumasok kami sa isang napakalaking pinto na kulay itim. Madilim ang loob at nakasara ang mga malalaki at makakapal na kurtina ng malalaking bintana. "Welcome to our main room." Amber uttered and I roamed my eyes in the whole place. Naglakad si Amber papunta sa isang sulok at may ginalaw doon saka lumiwanag ang paligid dahil sa pag-ilaw ng malaking chandelier.

"Amber, I really have no idea that your house is like this! Shocks! Feeling ko nasa kulungan ako ng mga Leon. What's with the dark aura? Ibang-iba ang aura ng mga tao sa bahay nyo kesa sa aura mo na makulit at mataray." Ngumiti lanng sya sakin ng matamis at nagkibit balikat.

"Just don't mind them. They are not the purpose why you're here. Halika." Nahipan ko na lang ang strand ng buho na tumakip sa mukha ko at nagpahila sa kanya.

Hinila nya ko papunta sa isang kulay itim na rectangular box na may mga carving ng lions and swords.

Binuksan nya yun at napalunok na lang ako ng makakita ng dalalwang katana at dalawang high powered gun. Kinuha nya ang katana at binigay nya sakin ang isang katana na kulay puti ang hawakan samantalang red ang kaniya. My hands are trembling, I know that this kind of katana is not just an ordinary katana that I've been used last last day. I saw may face reflection on the blade. Admiration filled my eyes.

"It's yours." Nagulat ako sa sinabi ni Amber at napatingin sa kanya. I'm speechless. Tumango sya sakin at binaba ko naman ang hawak kong katana ng ibigay pa nya ang dalawang baril sakin.

Goddamnit! It's just the first time that I'd hold a gun!

"Hey, relax. Di naman kusang puputok sayo ang baril na yan." Natatawang wika ni Amber sakin ng nanginginig ang mga kamay kong hinawakan ang dalawang baril sa magkabilaan kong kamay. "Hell. I can't take this. This is too much." Umiiling na sabi ko at binigay kay Amber ang mga baril pero ngumiti lang sya at tinulak sakin pabalik ang mga baril.

"No, Katniss. Take it. I want my best friend to be safe." Napatitig ako sa kanya. "Buong buhay ko ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigan na babae, at ang napakasaya pa ay isang katulad mo ang naging kaibigan ko." Aish.....

Paano ko pa matatanggihan kung ganito na ang itsura ng taong kausap ko?

I deeply sighed and nod. "Alright, I'll take it. Thank you my best friend."

***

After the cheesy stuff and that dramas with Amber ay umalis na kami sa main room nila at nilagay sa malaking bag ang katana ko at duo gun.

Iniwan nya muna ako sa kwarto nya at sinabing may dadaanan lang sya.

Hapon na din at tinatamad na naman ang buo kong sistema. Hayyy..... I think I'll just have a sleep over here tonight. Tatawag na lang ako kay ate Gia. I took my phone in my sling bag saka lumabas ng kwarto ni Amber at pumunta sa malaking veranda ng second floor nila.

Kitang-kita ko ang malawak at napakagandang hardin nila.

I dialed ate Gia's number pero di naman nya sinasagot. Busy?

Muntik na kong mapatalon ng may tumikhim sa likod ko.

"Shit." Napahawak pa ko sa dibdib ko at napakabilis ng pintig ng puso ko.

He slightly chuckled at parang nanghina ako ng may lumitaw na dimples sa kaliwang pisngi nya, kahit na di naman yun gaano malalim.

"Sorry kung nagulat kita." He sincerely apologize and smile. Again, I did saw his teasing dimple! God! Did I just say, teasing? Err... "Uhhmmm... I'm Yuen. Amber's twin." I blink several times. Tinignan ko pa ng mabuti ang mukha nya at magkahawig nga talaga sila ni Amber.

Wala namang nasabi si Amber na may kapatid o kambal sya. Saka ngayon ko lang sya nakita.

Napakamot sya sa batok nya at saka ko lang na realize na kanina pa ako tahimik at di man lang nagsasalita.

Napakagat labi ako at saka nahihiyang nagsalita.

"I'm Katniss. Amber's best friend." Pakilala ko at nilahad ang kamay ko. Napatingin sya sa kamay ko at parang nagulat. What's the matter? Tinanggap nya din ito at nag-aalangang ngumiti. I even saw his ears turned red! Shit!

Inaya nya ko sa living room nila at doon ko na lang din hinintay si Amber.

Minutes passed umalis muna si Yuen pagkatapos naming mag miryenda at magkwentuhan.

I'm bored. Again. Nagkaroon nga ako ng kasama pero pansamantala lang, hayyy..... Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang oras at mag-a-alas sais na pala. Naestatwa ako ng makaramdam ako ng nakapaitim at napakalamig na aura. Ramdam ko ang malalamig na titig nya sa likod ko. Napahugot ako ng malalim na hininga at naglakas ng loob na tumingin sa likod.

I saw her teary eyes with pain and anger.

Goddammit!!

Napatayo ako at mabilis syang lumakad papunta sa pwesto ko na walang pag-aalangan at nakita ko pang may tumulong luha sa mata nya bago nya ko malaks na sinampal.

Napahawak ako sa kaliwang pisngi ko.

Kahit sabihin mang ilang araw ko lang silang nakasama bilang bagong kaibigan napakalaki din ng meaning at napakahalaga ng bawat araw na yun.

"I hate you." Mahinang sambit nya at saka ako niyakap.

I didn't expect that this. Makikita nya ko at mayayakap, ngayon araw at oras na to mismo, at sa lugar na to.

Why she's here?

May connection ba sya sa mga Lewis. Di na ako nakaimik at hinayaan syang yakapin ako. I heard her sobs at binasa na nya ang damit ko ng mga luha nya habang nakasiksik ang mukha nya sa balikat ko.

Bakit lahat ng ito ay nangyayari?

[][][]

Katniss: The Lost Princess of Sheridan ClanWhere stories live. Discover now