[Chapter 11: Training]

2.3K 41 0
                                    




~*~

"Nasabi mo na ba sa kanya, Dylan?" Tumango ako kay ate Gia. "Wag kang mag-alala ate, babantayan ko sya. Sige po, muuna na ko. Paki sabi na lang kay Kat-kat dadalawin ko sya misan." Tumango lang si ate Gia at hinatid na ko sa gate.

Kakahatid ko lang kay Katniss galing sa school at tungkol sa pinag-usaapan namin? Si DQ, may nakapagsabi na may ginagawang hakbang na naman si DQ para sa mga illegal at masama nyang ginagawa at mas kailangan naming mag-ingat dahil baka nasa paligid lang ang kalaban at baka malaman agad nya na buhay si Katniss.

Maalala ko nga pala, bakit di ko man lang namalayan na kilala na pala nila Red at Jacob si Katniss. Si Red alam kong matagal na din silang magkakilala dahil sa pagkikita nila sa mall at pero so Jacob? Isang linggong nawala yun tapos kilala na din pala nya si Katniss?

Bakit pa ang daming nabiningwit na malalaking isda ang pusa ko? Aish....

~*~

Katniss' Point of View

"1, 1 and a half, 2, 2 and a half, 3, 3 and---" napatigil si ate Gia sa pagbibilang ng sumigaw ako.

"Waaah....!! Walang ganyanan ate Gia! Bakit ganyan ka magbilang?!" Sigaw ko kahit na hirap na hirap na ako dito habang nakatiwarik sa puno. Nakasabit ang mga binti ko sa sanga ng puno at nakahawal naman ang mga braso ko sa batok ko.

"Wag ka ng magreklamo, ituloy mo na ang ginagawa mo!" Sigaw nya sakin dahil medyo malayo sya.

Napabuga na lang ako ng hangin at tinuloy ang ginagawa kong pag-ipit sa tyan ko ng paulit-ulit. Ayokong magka-abs! Flat stomach lang naman ang gusto ko eh.... Mapilit kasi si ate Gia.

Matapos kong maka 20 counts ay bumaba na ko ng puno at lumapit kay ate Gia na nakaupo sa isang wooden chair at may lamesa at nandun ang bottled water ko. Uminom ako dito at umupo sa isa pang wooden chair. "What the?! What is that?! Saan galing yang pasa na yan?!" Nagulantang ako sa pagsigaw ni ate Gia.

Agad syang tumayo at lumapit sakin. She held my left arm and saw my bruise from the fight last night.

Napakamot lang ako sa batok ko ng magkasalubong na ang kilay nya na nakatingin sakin. Tss. Bakit kasi ako nag sports bra. Tsk.

"Nasangga ko lang yan kagabi sa bintana." Napabuga lang sya ng hangin at umalis. Maniniwala kaya sya sa alibi ko? "Ate saan ka pupunta?" Lumingon sya sakin. "Kukuha lang ng hot compress." When she said that, feeling ko nalungkot at nangulila ako. I suddenly missed mom and dad saka si ate Alesia. Hayyy....

I promise, dadalawin ko sila kapag maayos na ang lahat.

Napatayo ako at pinunasan ang pawis na pawis kong tyan. Ilang linggo kong tatrabahuhin ang pagkakaroon ng abs? Parang susuko na ata ako, bakit kasi kailangan pa sa taas ng puno?

Pumasok na muna ako sa loob ng mansyon, bahala na si ate Gia.

Di ko alam kung saan ako pupunta pero pag bukas ko ng pinto na nasa harapan ko ay nasa gym na pala ako.

Tignan mo, pati ang utak ko puro pagpa-practice ang laman! Aish..... Pumasok na ko sa loon at nagsuot ng gloves. Pumunta ako sa tapat ng malaking punching bag at sumuntok at sumipa doon. Ito na muna ang gagawin ko.

Zix's Point of View

Tss. Bakita ba kasi ang makakalimutin ni kuya?

Sumakay na ko sa kotse ko at mabilis na pumunta sa mansion nila. Siguradong wala na sya sa isa nilang bahay dahil umalis na sila doon ng may mangyaring massacre sa kapit bahay nila.

Aish... Naalala ko na naman ang babae na yun.

Bakit ba tuwing nakikita ko yung sinasabi nilang Katniss laging pumapasok sa utak ko ang imahe nung babae na nanguha ng wallet sa garden nila kuya Logan?

Ilang beses akong umiling para iwaksi ang nasa isip ko. Nang makarating sa mansion nila ay agad kong hinanap si kuya Logan. Muntik pa kong mapatalon ng may sumigaw sa garden, sa gulat ko ay napatakbo ako papunta doon at nakita si ate Giana. "Ate, anong nangyari?" Napalingon sya sakin at mukhang nagulat sya sa pagsulpot ko.

"Oh! Ikaw pala Zix. Ah eh, wala naman, hinahanap ko lang kasi ang makulit na pusa na yun! Nasan ba yun nagpunta? Nakita mo ba sya?" Napakunot ang noo ko sa sinabi ni ate.

"Akala ko ba allergic ka sa pusa ate Giana?" Tuamngo sya at napakamot sa ulo.

"I mean, si kat-kat. Tao. Hehe. Uhhmmm.... Napadalaw ka?" Ahhh.... Akala ko naman kung ano, naalala ko pa utloy si Dylan, kanina sa library pusa din ang tinawag nya kay Katniss. Aish.....

"Uhmmm, nandito po ba si kuya? May ibibigay lang po ko sa kanya." Tumango sya at tinuro ang mansion. "Yup, nasa library lang yun." Tumango naman ako sa kanya saka nagpasalamat. "Sige ate, una na ko. Mahanap mo na sana ang pusa mo." Natawa naman sya sa sinabi ko saka ako umalis.

Binati ako ng ilang maids na nakakasalubong ko pero di ko na lang sila pinapansin hanggang sa makaakyat ako sa second floor at malapit na sana ako sa library ng makarinig ako ng ilang kalabog at mga suntok sa punching bag.

Nakita kong nakabukas ng bahagya ang pinto ng gym.

Nandito kaya si kuya? Dahan-dahan kong binuksan ang pinto attatawagin sana si kuya ng matahimik ako dahil isang babae ang nasa loob at sinusuntok at sinisipa ang isang malaking punching bag.

Makikita mong napakalakas ng bawat suntok at sipa nya. Mabilis din ang kilos nya. I can't see her face dahil nakatalikod sya.

Tumigil sya saglit pero bumalik ulit sa ginagawa nya. Di man lang sya nagpunas ng pawis kahit na tumatagaktak na ang pawis nya. Napalabas ako ng gym ng bigla syang lumingon sa pwesto ko kaya naman napaatras ako at naisara ang pinto.

Di ko man lang nakita ang mukha nya dahil sa bilis ng kilos ko sa pagkakagulat.

Aish..... Ilang sandali lang akong tumitig sa pinto saka umalis at tumngo sa library at doon ko na nakita si kuya saka ko binigay ang naiwan nyang usb at ang cellphone nya sa bahay. Tss.

[][][]

Katniss: The Lost Princess of Sheridan ClanWhere stories live. Discover now