[Chapter 27: New House]

1.5K 28 0
                                    




~*~

"I miss you, my bff."

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at napangiti na lang ng maalala ko ang nangyari kagabi. Ugghhh..... My bff, Brielle. I really miss her.

Tumayo na ko at tinali ang buhok ko ng pony tail saka pumunta sa banyo at ginawa ang morning routines ko. Bumaba na ko ng hagdan at saka dumiretso sa kitchen para kumain ng breakfast cereal ko.

I'm in my new house. After my explanations, Brielle and me shared each other experiences and stories.

Pero wala akong sinabi tungkol sa mga napaka importanteng bagay na di ko pa masasabi sa ngayon dahil baka maging delikado din ang lagay nya.

Pasalamat na lang din ako at napakamaintindihan nya. Hayyy.....

Pagkatapos ng pag-uusap namin ay ako na din ang naghatid sa kanya pauwi sa kanila.

Ako na din ang nagpumilit na maghatid sa kanya dahil alam kong madami akong utang sa kanya, sa kanila Bridge at Yoshie. Na itanong ko din pala sa kanya kung bakit nasa mansion sya nila Amber noon. She said that she's with her dad, her dad had a meeting with Mr. Lewis. Siguradong napaka importanteng tao ng dad nya dahil sa pagkakaalam ko ay kaibigan din ng dad nya si Mr. Hamilton.

***

Pagkatapos kong mag breakfast ay umakyat na ko sa taas para maligo at magbihis.

Kailangan ko pang pumasok ngayon dahil may important announcement daw ang prof namin ng first period. Kailangan ko na ding tignan ang mga na missed ko.

I locked my room and walk downstairs then get outside the house and locked the door. Binuksan ko na ang gate at pumunta na sa kotse ko. Papasok na sana ako ng kotse ko ng may marinig akong kaluskos mula sa gate.

Lumabas ako at walang kahit anong nakitang tao sa paligid pero napatingin ako sa paanan ko ng may mapansin akong kumislap.

Pinulot ko ang isang silver ring at sinuri ito.

Ivan R.

It's engraved inside the ring. Meron bang sumusunod sakin at aksidentend nahulog nya to? Ok, stop it, Katniss. You're being paranoid again. Aish...... Pumasok na ulit ako ng gate at pinaandar ang kotse ko palabas ng gate. Bumaba na ko saglit ng kotse saka sinara ang gate ng bahay.

Kailangan ko ding maagang umuwi mamaya dahil mag-aayos pa ko ng mga gamit ko. Phew....

Papaliko na sana ako sa isang street ng may mapansin akong black ducatti sa kabila ng crossing street na malapit sa bahay. Pamilyar sakin ang motor na yun, di ko lang maalala kung saan ko nakita.

Di ko na lang ito pinansin saka umiling at tuluyan ng umalis papuntang university.

Kung ano-ano na namang naiisip ko. I think I need to unwind and rest myself.

I have an idea, I'll just call Amber and ask her. *smirk*

***

Minutes passed, nakarating na din ako ng university at dumiretso na ko agad sa department ko.

Pumasok na ko sa building at sumakay ng elevator papuntang floor ng room ko. Pagkabukas pa lang ng elevator ay bumungad na sakin ang mukha ni Amber na nakabusangot at bigla na lang akong hinila.

Bad mood?

"Ouch. Aray, Amber ha? Hindi ako nasasaktan, oo. Hindi, ok lang ako." Napahinto sya sa paghila at paglalakad saka tumingin sakin na nakataas ang kilay.

"Sarcastic much?" Di ko na lang sya pinansin at nauna ng maglakad sa kanya.

"Huy! Amber, ano ba?!" Nagulat ako ng bigla na naman nya kong hilahin pero this time ay palayo na sa room namin at pabalik na sa elevator. "Aaahh...!! Amber!" Muntik na kong madapa dahil sa paghila nya kung hindi lang ako napakapit sa kanya.

"Sshh.... Wag kang sumigaw! May pupuntahan tayo, wag ka ng maingay!"

Dahil sa sinabi nya ay lalong nagpumilit akong makaalis sa hawak nya.

"N-no! Kailangan ko pang pumasok! Amber! Ano bang trip mo?!" Nang napagtanto nya na hindi nya talaga ako mahihila ay huminto na sya at poker face na tumingin sakin.

Sa huli ay inirapan nya lang ako at nauna nang pumasok ng room.

Late na kami......

Padabog nyang binuksan ang pinto na room at muntik pa kong mapatalon dahil sa bigla at takot sa kakaiba at galit na aura nya ngayon. Ano naman kayang pinuputok ng butsi ng babaeng to?

"M-Ms. Lewis...." Hindi na nakapagsalita ang prof namin ng tignan lang sya ng malamig ni Amber at umupo sa seat nya.

Napayuko na lang ako sa prof namin at sumunod kay Amber.

Napansin ko din sila Dylan na kumpleto pa rin at nasa klase na rin.

Tinuro ni Dylan si Amber habang kunot ang noo. Nagkibit balikat na lang din ako sa kanya at umupo sa tabi ni Amber. Tahimik lang sya na nakadukdok sa table nya habang may nakasalpak na earphones sa tenga nya.

Mukhang mamaya ko pa to makakausap ng matino. Hayyy.......

***

"Hhhmmmm......" Napaayos ako ng upo ng marining kong umungol si Amber.

Tumingin ako sa kanya na nagkukusot ng mga mata.

Inayos ko na nag mga quizzes na binigay sakin ng mga prof ko from different subjects. Pinasok ko na ito sa bag ko at tumingin kay Amber na may kunot na noo. "What's that?" Umiling lang ako sa tanong nya at saka ngumiti. "Missed quizzes ko. Kakayari ko lang. Tara na?" Tumaas ang kilay nya sa tanong ko at tumingin sa paligid.

Mukhang na realize naman nya na kanina pa pala sya nakatulog at halos matawa ako sa ekspresyon ng mukha nya.

"Katniss naman eh~ Bakit di mo ko ginising? Nagugutom na ko~ (ToT)" Nagkibit nalikat lang ako at binuhat na nag bag ko saka tumayo.

"Kesa magreklamo ka dyan, tumayo ka na lang at tara na sa cafeteria. Hindi maglalakad at kusang lalapit sayo ang pagkain!" Napakamot batok na lang sya saka nakangusong tumayo at binuhat ang bag nya. "And, you can tell your problems." Nakangisi kong wika saka tinaas-baba ang kilay ko.

"You look badass motherfucker, earlier." Natatawa ko pang segunda kaya binigyan nya ako ng isang nakakamatay na tingin.

Tinaas ko na lang ang dalawa kong kamay na parang nagsu-surrender sa pulis.

"Ok. I'll just zip my mouth and you'll speak." Napailing lang sya sa kulit ko at saka nagkibit balikat.

I know she can't resist me. Hehe...

[][][]

Katniss: The Lost Princess of Sheridan ClanWhere stories live. Discover now