[Chapter 13: Little Help]

2.1K 34 0
                                    




~*~

"Oh-ow..." Nakatakas nga ko kay Red at naiwan ko sya sa cafe pero dito kaya sa guard ng gate? Paano ako makakatakas?

Muntik pa kong mapatili ng biglang may humigit sa kamay ko at bigla na lang akong hinila papuntang gilid ng gate. Napatingin ako sa humila sakin, medyo pamilyar ang mukha nya. Saan ko nga ba sya nakita? "Nakakalungkot naman na hindi mo na ko maalala." Nagulat ako sa sinabi nya at napahawak pa sya sa dibdib nya na prang nasasaktan pa ang damdamin.

Teka, nabasa nya ba ang iniisip ko?

"Base on your expression, halatang di mo ko matandaan. Aish...." Nahipan ko na lang ang strands ng buhok ko  na natakpan ang mukha ko.

"Aish... Sorry talaga kung nagkakilala na tayo at di kita matandaan. Nagmamadali kasi ako, sige mauna ko. See you around!" Agad akong nakapuslit sa gate at nakalabas ng makita kong umalis ang guard ng tawagin nito ang kapalit na magba-bantay.

Nakalabas na ko at agad na pumara ng taxi ng matakbo ko ang kanto.

I trace Amber's location in gps.

Isinuot ko agad ang mask ko pagkababa ng taxi at tinakbo ang eksaktong lugar kung nasan sya.

May nadatnan akong restricted area at isang malaking gate pagkapasok ko sa isang mini forest. Ang gate ay puno ng mga alambre na may mga matutulis na malilit na tusok. Anong ginagawa ni Amber sa ganitong lugar? Aish!

Sinipa ko ng malakas ang malaking gate at bumukas ito, wala namang lock.

Tinali ko ang buhok ko habang papasok ng isang malaking tunnel. Para saan naman kaya ang tunnel na to? Mukha na syang luma at abandonado dahil may mga kalawang ang ilang bakal at may mga lumkt ang ilang semento at bato. Medyo dumidilim habang papalayo ako sa entrance at muntik na kong maputulan ng leeg kung hindi lang ako naging alerto.

Mahina akong napamura bago pinulot ang lumipad saking katana. Hinawakan ko yun at binaba sa isang gilid ang bag ko.

Psshh... Naka uniform pa rin pala ako. Aish....

Habang papaunti akong lumalapit ay may mga ingay akong naririnig na parang naglalaban, at may mga tunog ng mga nagtatamang katana. "kN!" Napalingon ako kay Shyvana (Amber) ng tawagin nya ko. Sabay ng paglingon ko ay may isang dagger na papunta sa direksyon ko kaya lumuhod ako para maiwasan iyon.

Tumakbo ako ng mabilis at malakas na tumalon papunta sa direksyon ni Amber.

Paglanding ko ay agad na napalayo ang mga lalaking may hawak na katana at nakaitim na nakapalibot kay Shyvana.

Agad kong binigyan ng baril si Shyvana at hinanda ko naman ang hawak kong katana na.

"Little help pala ha?" Sarkastiko kong bulong kay Shyvana.

"Alam mo na ang ibig sabihin kapag little, kabaliktaran na yun!" Asar nyang bulong at kanina pa magkasalubong ang kilay nya. Mukhang naasar dahil sa pagiging dehado nya kanina, pasalamat sya at dumating ako agad at inabutan ko pa syang nakakatayo.

Ilang saglit pa ay pinalibutan kami ng mga lalaking may katana kaya nagtalikuran kami ni Shyvana.

May sumugod sakin pero lahat ng atake nila ay naiiwasan at nasasangga ko. Di manlang ako makaalis sa pwesto ko o kahit man lang humakbang. Medyo madali lang naman ang mga to, eh.

Yumuko si Shyvana at dumaan naman ako sa likod nya para ako naman ang mapunta sa mga kaninang kinakalaban nya at sya naman ang sakin.

Sinangga ko ang atake ng isang lalaki sa bandang kanan ko saka sya sinipa sa tuhod dahilan para mapahiga ito at mapatid ang isang lalaki sa likod nya. Sinangga ko din ang atake ng nasa kaliwa ko at binigyan sya ng straight punch sa mukha gamit ang kaliwang kamay ko. Akala ko mahina lang yun dahil sa di ko sanay ang kaliwa pero dumugo ang ilong nya at nakatulog.

Phew.... May improvement!!

Napahakbang ako sa bandang kanan ng may maramdaman akong tatama sa kaliwang hita ko.

Nakaiwas ako sa dagger pero ang palda ko ay hindi.

Napunit ang palda ko pababa kaya kita na ang black short ko. Psshh..... May narinig pa kong pumito sa likod ko na kalaban ngayon ni Shyvana. Ngayon ay mas lalong nabulgar ang kaliwang hita ko at kitang-kita talaga ang kaputian ko.

May ideya na ko kung sino ang gumawa nito at ang lalaking pumito kanina ang alam kong nag-iisang salarin! Err...

Nilabas ko na ang baril ko na nakalagay sa belt sa hita ko.

Dahil sa inis ay isa-isa ko silang pinatamaan sa hita nilang lahat hanggang sa mapatumba ko silang lahat. Tsk. Badtrip na talaga ako! Lumapit sakin si Shyvana na may ngisi sa labi dahil alam kong tuwang-tuwa na to dahil mas mabilis na natos ang laban at napatumba namin---este KO, napatumba KO sila agad. Psshh...

Di ko na sila pinansin na mga nagnganga-ngawa sa sakit at agad na lang na nilisan ang lugar.

Sumabay na din sakin si Shyvana at pinulot ko na ang bag ko na tinapon ko sa tabi kanina. Lumabas kami ng gate ng tunnel at ngayon ko lang nakita na nakapark pala sa isang tabi ang motor ni Amber na kulay dilaw.

Binigay nya sakin ang isang helmet at sinuot nya din ang helmet nya. Ako na ang nagdrive dahil napagod daw sya kanina.

Pumayag na din ako para naman ma relieved ako sa pagiging badtrip sa pamamagitan ng pagmo-motor. Nasa street na kami at ng lumingon ulit ako sa gate ay may nakita akong isang babae na naka cape at nakatalikod. Brown wavy long hair. Di ko makita ang mukha dahil nakatalikod pero isa lang ang talagang mahahalata mo habang nakatalikod ito.

Ang pulang Dragon sa cape nya. Di kaya.........

"Dragon Queen." Mahinang wika ni Amber na sigurado akong nakita din ang babae.

Sabi na nga ba, sya yun. It's DQ.

Binilisan ko na ang pagpapatakbo ng motor. Marami akong kailangang itanong sa bruha na to. Aish....

Agad ding kaming nakabalik sa university dahil sa bilis ng pagpapatakbo ko ng motor. There are many things that I did learned in a small span of time. Not just because I'm a simple fast learner but who knows it is just because it's may fate to learn that such things.

[][][]

Katniss: The Lost Princess of Sheridan ClanWhere stories live. Discover now