[Chapter 5: Tears]

3.3K 53 1
                                    




~*~

Katherine's Point of View

Hanggang sa pagbaba ko ng private plane ay di ko mapigilan ang pagpunas ng mga luha kong di ko mapigilan sa pagpatak.

"Princess Vinx, nandito po si Young master Dylan." Tumango lang ako sa isang butler na sumalubong sakin at sya ang nanguha ng mga gamit ko. "Couz..." Nag-aalalang tawag sakin ni Dylan. Napayakap na lang ako sa kanya at doon na umiyak. Hinagod nya ang likod ko para pakalmahin ako at pinilit ko na lang huminga ng malalim.

Di ko na sya pinansin at pumasok na sa kotse nya.

"Diretso na tayo dun." Alam kong alam na nya ang ibig sabihin ko at nabalitaan na nya ang nangyari. "Condolences, Kath." Tumango lang ako sa kanya at pinilit na tatagan ang loob ko. Ayokong umiyak sa harap ng puntod nya, kailangan kong maging malakas para naman di na sya mag-alala sakin. *sigh*

***

Bumaba na ko ng kotse at dali-daling pumunta sa puntod nya.

Buti na lang talaga hindi pina cremate ang bangkay nya. Ramdam ko naa sumunod sakin si Dylan papunta sa puntod. Ng makarating kami sa puntod nya ay parehas lang kaming tahimik at walang umiimik.

Alam kong nasasaktan din si Dylan sa pagkawala 'nya' dahil matagal ng may gusto si Dylan sa kanya at naging mabuting magkaibigan din ang dalawa.

"Kambal....." Bakit ganun! Sa isang salita lang na yun ay parang isang trigger na nagpaluha sakin. "*sniff* I'm sorry, ngayon lang ako nakadating. Hindi pa ako nakapunta sa libing mo at di ko pa nakausap ang mom and dad mo. Sorry, kasi iniwan kita. Sorry, sorry, sorry." Naramdaman ko ang pagakbay sakin ni Dylan at agad naman akong sumubsob sa balikat nya.

"Hush.... Don't blame yourself, Kath." Umiling-iling ako sa kanya.

One week na, one week na syang patay. Wala na ang best friend ko. Ang kaisa-isang kaibigan/kapatid ko. Ang kambal ko. Si meow-meow.

~*~

Dylan's Point of View

Pagkatapos umiyak at magkwento ni Kath sa puntod ng bff nya ay bumalik na kami sa kotse. Agad din syang nakatulog kaya ako na ang nagkabit ng seatbelt nya.

Sinimulan ko ng paandarin ang kotse pero bago ko pa apakan ang gas ay nakita ko sya nakatayo sa di kalayuan samin at nakatingin sa kotse ko. Pumunta sya gaya ng sinabi nya, para makita ang bff nya.

***

"Anong nangyari dyan?" Walang ganang tanong ni Zix ng makita nya kong buhat-buhat ang tulog na si Kath. Kadarating lang namin sa mansion ng mga Sheridan. "Nakatulog kakaiyak." Napataas ang kanang kilay nya sa sinabi ko.

"You know her bff?" Nag-isip sya saglit at tumango ng maalala na nya ang laging kinukwento ni Kath na bff nya.

"She's dead." Saglit na nanlaki ang mata nya at nag-aalalang napatingin kay Kath.

Alam naming lahat kung gaano ka mahal ni Kath ang bff nya. Halos yung bff na nga ni Kath ang lagi nyang bukambibig saming lahat. Laging silang dalawa ang kinukwento nya samin, halos araw-araw ata may bago syang kwento samin pagkagaling nya sa bff nya.

"Una na ko." Tumango lang sya at dinala ko na si Kath sa room nya.

~*~

Someone's Point of View

"Mission accomplished, DQ." Napangisi ng malademonyo ang tinawag nyang DQ. "Hindi ako nagkamali. Ito talaga ang pinakamadali sa lahat ng pinagawa ko. Pwede ka ng umalis." Tumango na lang ang utusan at muling nagdiwang ang babae.

'Malapit na. Malapit ko na ding matapos ang lahat ng plano ko.' Aniya sa isip saka humithit sa sigarilyo na hawak nya.

~*~

"Nakita mo sya?" Tumango ang dalaga sa tanong ng kasama nyang babae. "Haha... She's here. Umuwi sya kahit na delikado." Naiiling nyang sagot sa babaeng nagtanong sa kanya.

"Alam kong di magiging madali ang lahat para sayo pero alam kong malalagpasan mo ang lahat ng ito. Nararamdaman ko kung gaano ka kadeterminado at kalakas ngunit di mo pa ito naipapakita." Napabuntong hininga lang ang dalaga sa sinabi ng babae. "I can do this. For me, for her, for them." Napangiti ang babae sa sinabi ng dalaga.

"Wag kang mag-alala. Nandito ako, kami para tulungan ka. Lagi mong isipin na di ka nag-iisa." Tumango ang dalaga sa babae saka yumakap dito.

"Maraming salamat sa lahat. Makakaya ko din na intindihin ang lahat, magagawa ko ding tanggapin at lagpasan ang lahat." Sabi ng dalaga saka nilabas ang napakatamis nitong ngiti.

"Hoy, hoy, ano yan? Bakit di kayo nagsasali?" Biglang singit ng kadarating lang na binata.

"Naiuwi ko na sya." Sabi ng binata sa dalaga. "Buti naman." Nakangiting sabi ng dalaga. "Aish... Kung di lang kita pinsan." Bulong ng lalaki na rinig naman ng dalawang babae.

Natawa na lang ang isang babae at napaismid ang dalaga sa sinabi ng binata.

"Itigil mo na yan." Nagkibit balikat lang ang binata sa dalaga. "Mahirap." Seryosong sabi ng binata saka tumitig sa dalaga. "Tss. Bahala ka." Sabi ng dalaga saka umalis sa harap ng binata. "Una na ko sa inyo, kailangan ko pang maghanda para bukas." Pagpapalam ng dalaga sa binata at babae.

"Mag-iingat ka, aalagaan pa kita." Pabirong sabi ng lalaki kaya nabatukan na lang sya ng babae.

"Ate Giana naman..." Reklamo ng binata. "Hoy ikaw Dylan, umayos ka nga. Pinsan mo sya kung di ka lang tanga na nagkagusto sa kanya." Napapout na lang ang binata sa sinabi ng babae.

"Palitan mo na lang yan ng pagmamahal ng isang pinsan." Nakangiting wika ng babae sa binata.

"Haist... Dun ka na nga sa fiance mo!" Inis na sabi ng binata kaya sa pangalawang pagkakataon ay nabatukan sya ng babae. "Hayaan mo, papunta na yun at ibibilin kita sa kanya para naman makamove on ka na!" Napairap na lang ang binata sa sinabi ng babae.

"Bahala ka na nga dyan." Sabi ng binata at akmang aalis ng tawagin sya ng babae.

"Hoy, hoy, at saan ka naman pupunta?" Tanong ng babae. "Tutulungan ko sya mag-ayos ng mga gamit nya sa kwarto nya." Nakangising sagot ng binata.

"Mga galawan nito. Makakamove on ka din!" Sigaw ng babae sa papaalis ng binata.

"Blah blah blah.... Bye bye." Wika ng lalaki saka itinaas ang kanang kamay para mag wave sa babae habang nakatalikod.

Napailing lang ang babae sa kakulitan ng binata. 'Dylan will always be Dylan.'

[][][]

Katniss: The Lost Princess of Sheridan ClanWhere stories live. Discover now