Prologue

51K 1.3K 599
                                    

"Genevieve Hutton, eighteen years old. Severe allergy shock due to an unknown substance," anunsiyo ng isang nurse sa isang doktor na sumusuri sa pasyente na kadarating lang sa emergency room.

"Unknown substance?" asked the doctor.

"Yes, Doc," diretsong sagot naman ng nars.

"That's strange," said the doctor while stuttering. "Anyway, inject her antihistamines and apply some cream on her body where the allergic reactions occur. Please do it quickly. I need to talk to the patients' parents." Lumabas agad ang doktor ng kuwartong iyon at hinanap ang magulang ng pasyente.

"Ms. Genevieve Hutton's parents?"

Bigla namang tumayo ang mag-asawang Hutton na nakaupo sa isang bench hindi kalayuan saka na lumapit sa doktor.

"Doc, how is she? Is she going to be okay?" Nanginginig na tanong ng babaeng medyo may katandaan na – probably Mrs. Hutton, the patient's mother.

"She's going to be okay, Mrs. Hutton. But would you mind if I have to ask you some questions about her allergy?"

Nagkatinginan ang mag-asawa bago sinagot ang tanong ng doktor.

"No problem, Doc. Go ahead," pahayag ng lalaking kasama ni Mrs. Hutton, si Mr. Hutton na ama ng pasyente.

"When did her allergy start? When was her first attack?" the doctor asked.

"During her eighteenth birthday, Doc. Narinig namin ang sigaw niya kaya pinuntahan agad namin siya. Naabutan namin siya sa kusina na nakaupo sa sahig habang umiiyak. And we saw that... that her body is covered with hives. Ang alam namin ni Saw, wala siyang kahit na anong allergy. Ngayon lang nangyari ito at ganoon na lamang kalala. Masyadong nakakabahala, doc." Napaiyak na si Mrs. Hutton pagkatapos niyang sabihin iyon. Agad naman siyang dinaluhan ng kanyang asawa. Dahil sa nangyari, halo-halong emosyon ang kanyang nararamdaman. Ang tanging nasa isip niya na lang ay ang kaligtasan ng nag-iisa nilang anak.

"Doc, sabi niyo sa amin noong una namin siyang dinala rito, allergic lang siya sa make-up. Pero habang tumatagal parang lumalala yata iyon at kahit isang beses pagkatapos ng birthday niya ay hindi na siya gumagamit ng kahit na anong cosmetic products sa katawan niya. How did that happen, Doc?" ani Mr. Hutton sa doktor dahil sa kahina-hinalang kakulangan ng impormasyon na binibigay sa kanila nito.

Hindi naman agad nakasagot ang doktor kaya tumango-tango na lang siya, senyales na alam niya ang nais iparating ni Mr. Hutton at naiintindihan niya iyon.

"Doc, sabihin niyo po sa amin ang totoo. I'm begging you," si Mrs. Hutton naman habang nanginginig pa rin sa kaba at takot dahil sa nangyari sa anak niya.

"Mr. and Mrs. Hutton, kahit ako, kami, hindi namin alam kung ano ba talaga ang nangyayari sa anak niyo. It's very strange and difficult. I–"

"What kind of doctor are you?! You don't know what is happening to my daughter?! Why?! Are you really a doctor?! Oh, God, this is insane! You must give us an understandable explanation to this, Doc!"

"I'm so sorry, Mr. and Mrs. Hutton. I promise, we'll do our best to–"

"Don't just say it, do it. If you're really a doctor, do it. Save my daughter because it's your responsibility as a doctor," si Mrs. Hutton ulit.

"Hon..." Pagpigil sa kanya ni Mr. Hutton gamit ang pagod subalit mahinahon na tono.

"Yes, Mrs. Hutton. Again, I'm sorry. Now, if you'll excuse me," sabi ng doctor bago siya tuluyang umalis na halatang dismayado at bigo sa kanyang sarili at sa presyon na nakaatang sa kanyang mga balikat.

Napahagulhol si Mrs. Hutton nang agad mawala ang doktor kaya agad naman siyang yinakap ng kanyang asawa.

"Hon, our daughter... oh, God."

Aquarius (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon