Chapter 25: Difficulties

4.1K 221 12
                                    

GENEVIEVE

Agad akong napabangon sa hindi malaman na dahilan, resulting from a pang of pain in my head. Napahawak ako roon saka dahan-dahan na umusod sa may headboard ng kama. Nabaling ang tingin ko sa bintana. Nasa labas pa kaya sila? I hugged my knees with my chin on it while my eyes are still on the window.

I've heard a sudden creaked behind the door but I chose to stayed on my position looking straight outside of the window. Mayamaya lang din ay bumungad na sa akin ang guwapong mukha ng boyfriend ko. It's easy to determine his presence kaya hindi na ako nagtaka.

"Good morning," he greeted me with a smile on his lips.

Hindi ko magawang makapagsalita kaya tanging ngiti na lang din ang iginawad ko sa kanya. Naupo siya sa tapat ko kaya umayos na ako ng upo at hinintay kung ano man ang sasabihin niya.

"They're still here."

Hindi ko maiwasang madismaya dahil sa sinabi niya. Expected ko na iyon pero siyempre may part pa rin sa 'kin na umaasang wala na sila.

"And I, uh, I asked Von to come over here. We need an explanation from him," he added.

"Explanation? For what?" Kumunot naman ang noo ko.

"I'm sorry, Eve. This is all my fault." Napayuko siya. Nakita ko rin ang ilang butil ng luha na pumatak sa bedsheet ko.

Hindi ko maiwasang magulat pero sa kabilang banda, napangiti ako dahil sa sinseridad na pinapakita niya sa 'kin. I cupped his right cheek at agad niya namang hinawakan ang kamay ko.

"Wala kang kasalanan. Stop blaming yourself because of me. Hey, it's okay. It's gonna be okay," sabi ko sa kanya pero wala siyang naging imik dahil patuloy pa rin ang pagpatak ng mga luha niya.

Ngayon ko lang siya nakitang ganito at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Ngayon niya napatunayan sa 'kin na totoo ang pagmamahal niya sa 'kin. May kirot sa dibdib ko pero alam kong hindi iyon negatibo. His love for me is overflowing and I can feel it. Ramdam na ramdam ko iyon ngayon. Well, kailan naman hindi?

"Let's go downstairs. Pinaghanda kita ng agahan." 

"Tissue?" I offered but he refused.

"I'm just going to prepare. Mauna ka na sa baba, susunod ako," dagdag ko saka na tumayo sa kama nang matigilan ako dahil sa mapanghusga niyang tingin.

"What?" Nakataas kilay kong tanong sa kanya.

"I love... what I'm seeing right now," he said huskily as he ran his fingers through his hair. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang pagkagat niya sa ibabang labi niya. Sinundan ko ang tingin niya at nakapokus ito sa katawan ko.

"Oh, my God, Binx Cristobal!" Bigla akong namula at agad na kumaripas ng takbo papasok ng CR.

I'm wearing my usual cotton shorts and sando without bra. 'Without bra'! My goodness! He already saw everything! I mean, not totally pero heck, ang sandong gamit ko ay manipis lang. Nakakahiya!

Agad kong tinabunan ang mukha ko gamit ang tuwalya sa loob ng banyo saka umiling-iling. Kahit na boyfriend ko siya, hindi niya pa rin dapat iyon nakita. I feel so embarassed! It feels like I just want to stay here in my room through out the whole day because of what happened! Goodness gracious!

"It's okay, B. I'm your boyfriend and soon-to-be husband in 5 years or more so araw-araw ko na iyan makikita." Narinig kong saad niya at ramdam ko ang pang-iinsulto niya sa 'kin doon. Damn!

"I hate you, Binx! I really really hate you!" sigaw ko sa kanya na maluha-luha na. Kung hindi iyon big deal sa kanya pwes sa akin oo! Hello? Babae ako! Sensitive ako pagdating sa mga ganito. 'Nong nakita ko nga sila... ugh, never mind.

Aquarius (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now