Chapter 5: Crying in the Rain

9.7K 550 47
                                    

GENEVIEVE

Nagising akong masakit ang ulo kaya agad ko itong hinawakan at dahan-dahang bumangon. Pumikit ako at hinilot ang sentido ko. Ano bang nangyari?

"Ano ba! Saan mo ba ako dadalhin? Ibaba mo nga ako! Nakakahiya!" nanggigigil kong bulong sa kanya dahil kahit anong gawin ko ay wala talaga siyang balak na ibaba ako. Hanggang ngayon ay nasa hallway pa rin kami. Ramdam ko rin ang titig ng mga estudyante sa amin. Damn this guy! What is his problem?!

"Just shut the fuck up, bumpy girl. Ikaw lang naman ang gumagawa ng sarili mong kahihiyan. Tsk."

What did he just say to me? Bumpy girl?

"Hoy! Huwag mo akong ma-fuck fuck diyan! Hindi ikaw ang nagluwal sa akin! At anong bumpy girl? Nakagawa ka pa talaga ng nickname sa 'kin sa mga oras na ito, ano? You're impossible! Tapos ako pa ngayon ang sinisisi mo?! Puwede ba? Ibaba mo na lang kasi ako! Kailangan ko pang magpalit ng damit! Kailangan ko pang–"

Aray!

Napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman kong tumama ito sa isang matigas na bagay. Dang! It hurts! Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at naramdaman ko ang pagkahilo bago ako tuluyang nawalan ng ulirat.

Napamulat ako bigla dahil sa alaalang bumalik sa isipan ko. Napakuyom na lang ako ng dalawang kamao dahil sa panggigigil sa lalaking iyon. Wait 'til we meet again, jerk!

"That guy..." I mumbled as I gritted my teeth.

Masyado niyang pinapainit ang ulo ko. I hate him! I really really hate him! I swear!

Nagulat naman ako sa biglaang pagbukas ng pinto kaya agad akong napalingon doon.

"Gising na po pala kayo, Ma'am," ang nars saka lumapit sa may monitor ko. Tinanguan ko na lang siya at hinintay na matapos.

"Uh, nars, nasaan na pala 'yong lalaking nagdala sa akin dito? Uhm, gusto ko lang sanang magpasalamat," I stuttered. Parang may nabara yata sa lalamunan ko. Geez, ako magpapasalamat sa lalaking iyon? No way! Isa siya sa dahilan kung bakit ako nandito ngayon kaya... NO. It's a big no for me.

"Ah, iyong boyfriend niyo ho? Umalis na po kani-kanina lang." Nakangiti ang nars na para bang kinikilig.

"Boyfriend? He's not my boyfriend!" I tried to defend myself.

"Ay, ganoon po ba? Pasensiya na po. Iyon po kasi ang pakilala niya sa amin."

I cleared my throat. "Bakit niya naman sinabi iyon? We just met before we came here. That's not true, Miss. I swear. He's lying to you. Uhm, uhm, totoo talaga, Miss. Hindi ko talaga..." Napatigil ako sa pagsasalita nang may mapagtanto ako. Why am I even explaining to this nurse? She doesn't need to know the truth. That's not her concern anymore.

"Napaghahalataan po kayong defensive, Ma'am."

"Ako? Defensive? Sa kanya? No way!"

Damn it! Bakit ko pa ba kasi kinakausap ang nars na ito? Ano ba naman iyan! Ito tuloy ang napala ko sa pagtatanong ko sa babaeng ito! I feel so harassed! Help me!

Natigil lang ako sa pag-iisip nang magsalita ulit siya.

"Uhm, una na po ako, Ma'am. Pagaling po kayo agad para po makasama mo na po ulit iyong BOYFRIEND mo," paalam ng nars sa 'kin habang pinagtatawanan niya pa rin ako. Aba nakuha pang mang-iwan ng insulto! Che! Huwag ka nang bumalik dito! I will request another nurse, pero alam ko namang hindi ako magtatagal dito.

Napasabunot na lang ako sa sarili kong buhok saka ginulo-gulo ito nang makalabas na siya sa kuwartong kinaroroonan ko. Jusko! Nakakahiya ang inasal ko sa harap ng nars na iyon! My goodness!

Aquarius (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon