Chapter 28: Reanna Aguillard

4.6K 219 17
                                    

GENEVIEVE

"What?!" I was flabbergasted by the news of Binx about Reanna.

"Von said that she's been suffering from a severe depression and has been undergoing treatment for a while now since she last visited you."

"Wha-What? Depression? Bakit hindi ko iyan alam?"

Nagpabalik-balik ako ng lakad sa harap niya habang kinakagat ang kuko, hindi mapakali.

"Pero bakit kailangang sa mental ward siya malagay? What did she do?"

"She tried to kill herself at kapag nakakakita siya ng ibang tao ay sinusubukan niya rin itong saktan at pinagsasalitaan ng kung ano-ano. Based on her actions, she already lost her... sanity."

"Don't you dare say it! Hindi siya baliw!"

She's my best friend and a sister to me! Wala silang karapatang husgahan ang pagkatao niya! She's just lonely and waiting for someone to comfort her. Kung wala lang sana akong allergy, natutukan at nabantayan ko sana siya. At hindi sana umabot sa ganito.

Half of this is also my fault.

Nanlulumo akong napaupo sa sofa dahil hindi ko na kaya ang mga nalalaman ko. Alam kong nasaktan ako ni Reanna pero napatawad ko na siya dahil kapatid ang turing ko sa kanya at mahal ko ang pagkakaibigan namin. Nasaktan ko rin siya, oo, at hindi ko alam na may pinagdadaanan din pala siya. Oh, my God, I feel so useless best friend.

"Binx, gusto ko siyang puntahan. I know she needs someone to lean on. Iniisip ko palang na... na mag-isa siya doon ay nasasaktan na ako. Paano pa kaya siya? Binx, please. I know she's scared. I want to go to her."

My whole body quivered when I said that and my heart begin to palpitate when tears rolled down to my cheeks.

"Reanna..." saad ko pa bago ko takpan ang mukha ko at punasan ang pisnging nabasa ng luha.

"Okay. I'll go with you but I need you to calm yourself first. Hindi tayo aalis hangga't ganito ka."

Lumapit siya sa 'kin at pinatahan ako. Sumandal ako sa dibdib niya at hinayaang bumuhos ang mga luha.

Kaya pala ay wala na akong naging balita sa kanya. I'm trying to reach her but I couldn't. I've been calling and texting her but I got no response from her. It's because she's suffering from a depression and she's in mental ward. Oh, how could they do that to her? Kilala ko ang best friend ko, hindi siya gagawa ng ikasasama niya pero ganun ba kasakit at kalungkot ang nararamdaman niya at umabot sa ganito?

What about her parents? Aunts or Uncles? Where are they? Bakit nila pinabayaan si Reanna?

Biglang pumasok sa isip ko 'yong araw na may kausap siya at tinawag siya nitong anak. Pero hindi ko makita at mamukhaan 'yong lalaki. Alam niya na kaya ang tungkol kay Reanna? Binibisita niya kaya ito? Bakit hindi niya na lang bawiin si Reanna?

Oh, my God, mababaliw na ako kakaisip tungkol sa nag-iisa kong best friend.

After a few hours, we decided to go to Reanna. Nagdala rin ako ng mga pagkain niya at kung ano pang puwede niyang kailanganin. Kung hindi kayang gawin ng mga kapamilya ni Reanna na mailabas siya doon ay ako na mismo ang gagawa ng paraan. She can stay in our house. Aalagaan namin siya.

"Excuse me? Pwede ba naming bisitahin si-" Natigil ako nang mahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na pigura ng taong naglalakad 'di kalayuan. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa tuluyan na itong nawala sa paningin ko.

"Ano po iyon, Ma'am?"

Nabalik ang tingin ko sa babae saka siya binigyan ng ngiti.

"Uhm, may pasyente po ba kayong Reanna Hurston ang pangalan?"

Aquarius (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now