Chapter 17: Happiness in Disguise

4.9K 291 55
                                    

GENEVIEVE

As I opened my eyes, I saw Binx; his eyes screams anxiousness and his broad shoulder is unsubstantial as the wind. I can sense that he's been staring at me for a while now. My poor Binx, I'm so sorry.

I blinked. I saw him smiled but that smile can't fool me. Alam ko kung ano ang nararamdaman niya sa mga oras na 'to. Alam ko...

I can hardly breathe so I decided to remove the oxygen mask that I'm wearing. I looked at Binx and I gave him a minute frail smile. Nang biglang manghina ang mga braso ko ay muntikan sana akong mapahiga ulit kaya inalalayan niya ako.

Hindi ko magawang makaimik. The room is lonely. I can feel it. My mom and dad are lying on a soft and comfy sofa. They're asleep. Kita ko ang pagod nila sa mga mukha nila. Pansin ko rin ang pamamayat ng katawan nila. They sacrifice so much for me. Naiisip ko tuloy na nagiging pabigat na ako sa kanila because of my condition. It's so funny na 'yong bagay na hindi ko pinapaniwalaan noon nang i-lesson namin siya sa Biology ay ang bagay na meron na ako ngayon. Now, I'm the victim. How ironic.

I heard him cleared his throat but I didn't look at him. Nanatili akong nakatingin lang sa mga magulang ko. Gusto ko silang titigan ng ganito dahil kahit papaano ay nakakapagpahinga sila at nakakalimutan ang problemang kinakaharap namin ngayon.

"Eve, are you okay?"

Napakurap-kurap ako sa tanong niya. Am I okay? Am I really okay? Kahit ako hindi ko rin alam. But I don't want to be a drama queen. This... this allergy can't fight Genevieve A.K.A the 'Green Clover'. In fact, the happiest person in the world is the good one. So, I'm the good one because even though I'm hurting, I still do some things that can make other people smile.

"Oo naman," nakangiting sabi ko na lang bago tumingin sa kanya.

"Are you sure? May masakit ba sa 'yo? May gusto ka bang kainin? Bibilhan kita. O kaya inumin? Anong gusto mong-"

"Hey, hey. Easy. I'm okay. You don't need to worry. Ikaw talaga," natatawang sabi ko pero deep inside gustong-gusto ko siyang yakapin. But again, sabi nga ni daddy 'too much drama can kill you'. Baka drama pa ang maging dahilan ng pagkawala ko kaysa sa sakit ko. Oh come on, that's funny! Kaya mabuting sarilinin ko na muna ito.

Nakita ko ang pagbuntong-hininga niya at ang bahagyang pag-iling.

"I'm... sorry..." It's almost a whisper but I heard it.

"Don't be. This is not your fault, okay?" pag-alo ko sa kanya saka hinawakan ang kamay niyang dinaig pa ang yelo dahil sa lamig. Ramdam ko rin ang pawis nito kaya agad akong napabitaw. "Ang OA mo kasi! Tama na nga 'yan!" I laughed at nakita ko naman ang pagguhit ng isang ngiti sa mga labi niya. Sus! Ang moody talaga ng lalaking 'to! Jusko. "Uhm, basahan mo na lang ako ng book. Please?"

"Okay. You know I can't say no to you. What story do you want to hear?"

Napapalakpak ako sa tuwa at excitement saka sinabi ang libro na gusto kong marinig. Bumili kasi siya ng mga libro 'nong isang buwan para daw kahit papaano ay may mapaglilibangan ako. Sa ilang librong binili niya, dalawa palang ang nababasa ko, I mean, siya. Well, uhm, busy din kasi ako sa pag-take ng mga therapies at medications. Kung hindi, palagi naman akong tulog dahil bumabawi ako ng lakas. Hindi pa rin kasi bumabalik sa dating sigla ang katawan ko and my hair, paunti-unti humahaba na ulit siya pero sabi ni Dr. Aguillard kapag humaba daw ulit, kailangang putulin. Tanggap ko na naman. Wala na akong pakialam sa itsura ko ngayon. Kung hindi naman ako tulog, naghaharutan kami ni Binx. Harutan talaga eh 'no?

I laughed at that thought. I can't imagine na isang Binx Cristobal ang magiging kaharutan ko habang nandito sa ospital. Funny.

Habang marahan niya akong binabasahan, nakasandal lang ako sa balikat niya at nakayakap sa tiyan niya. Minsan ay napapapikit din ako para mas lalong madama ang pagkakataon na ito.

Aquarius (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now