Chapter 30: A Beginning to an End

7K 244 25
                                    

GENEVIEVE

"Are you done?"

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa biglang pagsalita niya at pagsulpot sa likuran ko.

"Palagi mo na lang akong ginugulat! Balak mo akong patayin, 'no?"

"At palagi ka ring nagugulat. You never learn that's why you're still here. This is an afterlife already so stop saying that I'll kill you because you, you killed yourself."

I rolled my eyes without knowing her. Hindi naman din kasi ako makatingin sa kanya dahil sa liwanag na bumabalot sa kanya. Sa araw-araw na pananatili ko rito ay hindi man lang siya nag-i-initiate na magpakilala sakin o alisin ang liwanag na bumabalot sa kanya. And she keeps on teasing me! That's so unfair and annoying!

"Stop saying that! Hindi pa ako patay!"

"So, why are you here?"

"Meditating, I guess?"

"Meditating for what?"

"Just..."

Wala akong maisagot sa kanya dahil ang totoo niyan ay hindi naman ako napunta rito para lang magnilay-nilay. Well, sabihin na nga nating parang ganoon na nga. Ah basta! Pero kasi, kaya lang naman ako nagtagal dito dahil sa tahimik na kapaligiran at magandang mga tanawin. Kapag nandito ako, wala akong maramdaman na kahit na anong sakit at paghihirap. Purong kasiyahan lang at walang iba. That's why I like this place more than anything else.

"Forget it!"

Pumangalumbaba ako at hindi na siya pinansin ulit hanggang sa may ideya na namang pumasok sa isipan ko.

Ngumisi ako ng nakakaloko. "Show yourself to me, then! Then I'll tell you my reasons why I'm here."

Sinungaling ka, Eve!

Pero iyon lang ang alam kong dahilan para makita ko na nang tuluyan ang mukha niya.

"Then, look at me. Now."

Napangiti ako ng malapad at walang pakundangang tumingin sa kanya na nasa likod ko. Muntik pa nga akong mabalian ng leeg dahil sa pag-ikot ko at biglang pagtayo.

Desperada ka, Eve!

My smiles faded when I saw her and I couldn't utter any single words.

"Happy?"

She smiled too! And it sent shivers down my spine!

Napaatras ako ng konti dala ng emosyon.

Lumipas ang ilang minutong katahimikan. Nakatitig lang kami sa isa't isa na para bang nananalamin lang ako.

Oh, my Goodness! All this time, I've been talking to myself? What the hell? Paano nangyari iyon? Am I insane or what? Am I just dreaming or is this really the afterlife?

Dahan-dahan siyang lumapit sa 'kin habang may ngiti sa kanyang mga labi. Hindi ako kumibo pero abot kung saan na ang kaba at takot na nararamdaman ko sa mga oras na ito.

"I already know the reasons why. Goodbye, Eve. I hope this answer all your confusions in life."

I don't understand! But then again, she just gave me another smile before vanishing in the wind.

"Sandali!"

I was left dumbfounded. I tried to follow her but I ended up like a crazy, deperate woman talking to the wind. Susuko na sana ako nang may mapansin akong kakaibang nangyayari sa katawan ko and just like her, slowly, I am vanishing into thin air.

Aquarius (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now