Chapter 14: Therapy

5.1K 347 27
                                    

THIRD PERSON

Naglalakad si Dr. Aguillard patungo sa kuwarto ni Eve. Sasabihin niya na sa kanila ang tungkol sa sakit ni Eve. Hindi na dapat ito maaaring patagalin pa. Wala pa man sa tamang kondisyon si Eve, kailangan pa rin nilang magsagawa ng ilang mga tests, but they need to be very careful on doing that. They also need the approval of Eve's parents.

Huminga siya nang malalim bago niya buksan ang pinto. Kinakabahan man, kailangan niya pa ring sabihin sa kanila ang totoo. They deserve to know the truth about their daughter. Buti na lang ay may kasama naman siyang nurses. Bumangad sa kanya ang mag-asawang nakaupo sa upuan malapit sa kama ni Eve.

"Good evening, Mr. and Mrs. Hutton. Alam na namin kung ano ang sakit niya," agad na sabi niya dahil ayaw niyang magtagal pa sa loob ng kuwarto. Lalo lang bumibigat ang pakiramdam niya. Ito na yata ang pinakamahirap na kasong nahawakan niya sa ilang taong pagiging doktor niya.

Napatayo ang mag-asawa mula sa kanilang kinauupuan saka lumapit sa doktor. Pansin din ng doktor na mukhang nabuhayan ang mag-asawa dahil sa wakas ay malalaman na rin nila ang sakit ng anak nila after almost one month of waiting.

"What is it, Doc? Sabihin niyo po sa amin. Please." Nagsimula na namang maiyak si Mrs. Hutton kaya kinalma niya muna ang kanyang sarili.

"She's allergic to water." Tila ba ka'y gaan lang ng mga salitang binitawan ng doktor pero may mabigat na sakop. Para itong sirang plaka na nagpaulit-ulit sa isipan ni Dr. Aguillard ang mga katagang sinabi niya sa mag-asawa.

"What?" Nagulat ang mag-asawa. "That's impossible, doc. Baka nagkamali lang kayo sa findings niyo," Mrs. Hutton added, hoping that she just misheard it.

'Sana nga ay nagkamali lang kami pero hindi, eh,' sa isip ni Dr. Aguillard.

"But our findings are never wrong," Dr. Aguillard, defending the reputation of the hospital. On the other side, tama rin naman siya. Hindi pa siya nagkakamali sa findings niya. Exception lang talaga si Eve 'don dahil 'nong unang diagnosis niya sa kanya ay mali.

"Then, hindi niya kailangan ang mga iyan! Tanggalin niyo iyan sa kanya! Ngayon na!" Agad nagwala si Mrs. Hutton nang mapagtanto niya ang mga makina na nakakabit sa katawan ni Eve. Pinigilan naman siya ng mga nars pati na ng kanyang asawa.

"Doc, tubig? Allergic siya sa tubig? Paano nangyari iyon, doc? Water makes up about sixty to seventy percent of the Earth and almost as much of our bodies. How could that possibly happen? Imagine, water is what we need to live and don't tell me that our daughter, Genevieve can't..." Hindi na natapos pa ni Mr. Hutton ang kanyang sasabihin dahil masyado na siyang nadala ng pagiging emosyonal.

Binitawan niya ang kanyang asawa at napahilamos na lang siya sa kanyang mukha saka lumapit sa pader para suntukin ito. He thinks that he failed to protect his own daughter. He thinks that everything that's happening to her is his fault.

"Damn it!" he cursed under his breath.

"Mr. Hutton, calm down. There's a way to lessen the effect of hives in her body. We have to do several tests to proved what treatment is compatible to her body. But I assure you, we will be careful in examining your daughter."

Nakita niya ring nakaupo na sa sahig si Mrs. Hutton habang nakatulala sa kanyang anak na nakahiga sa kama. Hindi niya na alam ang gagawin niya. Naiintidihan niya ang mag-asawa dahil pinagdaanan niya rin ito pero bakit kailangang umabot sa ganito? He's just saying the truth! He's juts giving out facts!

Aquarius (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now