Chapter 4: The Booth and Stranger

10K 539 48
                                    

GENEVIEVE

Pababa na sana ako ng hagdan nang mahagip ng paningin ko sila mommy at daddy na nag-uusap sa may sala.

"Aalis ka?" Tinignan ako ni mommy mula ulo hanggang paa.

"Hmm, school," I answered quickly as I continue to walk towards them.

"Napag-usapan na natin ito, 'di ba? Hangga't hindi ka pa–"

"Magaling na po ako!" taranta kong sabi. Nagulat naman sila sa bigla kong pagsagot kaya napakapit ako ng mahigpit sa strap ng bag ko. "Una na po ako..." I stuttered as I kissed them goodbye on the cheeks before leaving the house.

"Eve! Come–" Bago pa man matapos ni mommy ang sasabihin niya ay nakalabas na ako ng bahay.

Bumuntong hininga ako at napapikit ng mariin. Ngayon ko lang ito nagawa. Ngayon ko lang sila hindi pinakinggan. But, what's wrong with going to school? I need to study, anyway. That's the purpose of our life.

Nagsimula akong maglakad palabas ng subdivision pero mayamaya lang din ay may tumigil na sasakyan sa harapan ko. I rolled my eyes when I realized that it's our car and my driver is smiling weird at me. Geez. Hanggang ngayon ba ay wala pa rin silang tiwala sa 'kin? I can take care of myself! Hello? I'm already eighteen for pete's sake! I'm in legal age!

Wala akong nagawa kaya padabog na lang akong pumasok sa loob ng sasakyan.

"Tara na po," napilitan kong sabi kay Mang Ben.

I buckled up my seatbelt as soon as I fixed my jacket. Baka makita pa ni Mang Ben ang kamay at braso ko, isumbong pa ako sa parents ko. Mahirap na. And yup, naka-civillian ako ngayon. Kitang-kita pa rin kasi ang pamumula ng buo kong katawan pero magaling na ako. Really. Hindi na naman siya makati at masakit, eh. Kailangan ko na ring pumasok kasi marami na akong na-mi-miss.

Habang naglalakad sa may hallway ay nakita ko agad si Reanna na papalapit sa direksyon ko habang may ngiti sa kanyang mga labi. Speaking of mga na-mi-miss ko, Reanna is one of them. Nang makalapit na siya ay agad kaming nagyakapan. Oh my, I missed my best friend!

"I missed you! What happened to you, beast?" she said, looking intently at me.

"Uhm, I'm sick," I stuttered.

"Oh. Fever? That long?"

I don't know what to say to her so I just nodded my head. Ayoko na rin kasing pag-usapan pa 'yong mga nangyari. It's been two weeks and I suffered a lot because of such an allergy. Sa loob ng linggong iyon ay wala man lang akong ibang ginawa kundi ang magpagaling at uminom ng gamot. Yes, I stayed in our house and not in the hospital. Nakakasawa. Nakakabagot. Pero hindi naman ako puwedeng basta sumuko na lang, hindi ba? It's just an allergy, after all. It has a cure or treatment para mawala siya. So, I don't need to worry that much. I can survive it. I just need to–

"Hey! Snap out of it!"

Napabalik ako sa reyalidad nang makita ko sa harapan ko si Reanna na kumakaway-kaway. Kumurap-kurap ako saka umiling-iling.

"May sinasabi ka?" lutang na tanong ko sa kanya.

"Malamang meron pero ayan oh, lutang ang kinakausap ko. Tss. What's wrong with you, Genevieve?" she said while pointing her finger at me.

What's wrong with me? Well, uhm, my allergy. Oo nga't hindi na ako inatake ng dalawang araw bago ako pumasok pero kailangan ko pa ring mag-ingat sa mga bagay na mahahawakan, maiinom o malalanghap ko. We still don't know what my allergy really is. My dad never allowed me to go to the hospital during my sufferings. And I understand him. I know that he's just concern at me and I can't blame him for that. It's just that I–

Aquarius (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now