Chapter 23: Home

4.6K 228 22
                                    

GENEVIEVE

"Are you okay?"

Naramdaman ko ang paglubog ng kama senyales na may naupo. Tinitigan ko si mommy as I gave her a quick smile.

"Of course. We're going home," I said.

"Are you sure you're gonna be okay? I'm worried, Eve." Kahit na nakangiti si mommy ay ramdam ko na may parte sa kanya ang malungkot.

"Mom, don't be. Kasama ko kayo so I'm going to be okay. Sure akong gagaling ako sa pagmamahal niyo sa 'kin at sa pagmamahal ko sainyo." I gave her an assurance smile. "Halika nga rito, ,Mom," I added nang i-tap ko ang kamay ko sa espasyo ng kama sa katabi ko.

Umusod naman siya ng konti para mas mapalapit sa 'kin. Ngumiti ako at agad siyang yinakap. Bakit ko ba ito napagsalitaan ng mabibigat noon when in fact, ginagawa lang talaga nila ang makakabuti sa 'kin. Oh! I'm such a fool for making them cry over and over again and I regret it until now. Babawi ako sa kanila pagkauwi namin. Babawi ako...

"I love you so much, Mom," I whispered saka pumikit para mas lalong madama ang yakap namin.

"You're really back," I heard her say.

Hindi naman ako nawala, eh.

It's been one year since I got confined here in St. Zephra Medical Hospital and it feels so uncomfortable. Ang tagal na. Biruin niyo iyon, one year na pala akong nakakulong sa ospital. Wow. Pano ko 'yon natiis?

Marami na akong na-miss na mga bagay na dapat ay ginagawa ko rin bilang isang teenager but I guess, I'm not a teenager anymore kapag nakalabas na ako rito after all, malapit na rin akong mag-twenty. Iba na ang magiging takbo ng buhay ko sa labas ng puting building na ito.

I've been in hell and I regret it so much. Hindi ko man lang nagawang bumuo ng mga masasaya at hindi makakalimutang alaala habang nandito ako. I let myself to drown on my own thoughts and believes. Mas pinili kong damdamin ang rason kung bakit ako nandito pero mukhang nakatulong naman iyon para mas makapag-isip ako.

Therapies every week and medications every day, talking and laughing with my family and Binx but that laugh didn't last long, being sad, crying out of nothing, blaming everyone, shout people out of my life, went out in this hospital to see Reanna and Binx's graduation, seeing them 'you know'... mali na gamitin pa ang word na 'yon, getting angry because of a nonsense thing, letting go of the people I love, accepting the truth and most importantly, accepting all the pain. Nakaya ko lahat pero hindi maipagkakaila na nahirapan ako ng sobra bago ko maituwid ang sarili ko. But anyways, in that way, I've learned my lessons.

Ika nga ni Kahlil Gibran, "Your pain is the breaking of the shell that encloses your understanding". Dapat matuto tayong kontrolin ang emosyon natin dahil ito ang magiging daan para makagawa tayo ng mga bagay na hindi naman dapat gawin. Pain can destroy or either make you. It's up to you kung alin doon ang pipiliin mo. Huwag niyo na akong gayahin na ginamit ko ang dalawang iyan.

Pagkatapos kong makita ang senaryong iyon, hinayaan ko ang sarili ko na magalit at hindi ko inalam ang totoo at 'don din ako nagkamali. Hinusgahan ko agad sila. Hindi ko sila pinakinggan kaya ang resulta... nasira kaming tatlo.

Nang malaman ko rin ang pangalawang sakit ko 'don na ako totally nawala sa sarili ko. I breakdown. Hindi ko na talaga kasi kinaya. It's so much weight to carry on despite of everything that happened to my life. But still, I'm very thankful and blessed. Binigyan ako ng mga taong hindi ako susukuan kahit na anong mangyari. He gave me light so here I am packing things so I could go home.

Dr. Aguillard said na hindi pa ako pwedeng lumabas ng hospital but I insisted. Pinilit ko siya dahil desperadang-desperada na ako kahapon. Nakipagtalo pa ako as I gave him my reason...

Aquarius (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon