Chapter 2: Incipient

13.8K 694 110
                                    

GENEVIEVE

Nang maramdaman ko na tumigil na ang sasakyan ay minulat ko na ang mga mata ko. Hindi ko na hinintay si Mang Ben na pagbuksan pa ako ng pinto. Agad na akong nagtungo sa loob. I badly want to talk to my Mom right now.

"Oh, hi sweetie!"

Pagbukas palang ng pinto ay bumungad na agad sa akin ang nakangiting mukha ni mommy. Ngumiti na lang din ako saka na bumeso sa kanya.

"How's your day, sweetie? Did you invite all of your classmates to come over here tonight?" Bumagsak agad ang balikat ko sa tanong ni mom.

"Mom, I don't even know that you're gonna throw a party for me tonight kaya paano ko po sila iimbitahan kung kanina ko lang po nalaman? At kay Reanna at Mang Ben pa talaga." I walked near the sofa.

"Oh, don't worry sweetie, we already invited them all. Tinulungan kami ni Reanna."

What?! Bakit hindi ko iyon alam? Iyong babae talagang iyon!

"But, Mom–"

"Sweetie, we talked about this, right? We planned to surprise you but we can't even do that because you're here. So please, let me do this for you. Hindi naman ako papayag na hindi i-celebrate ang eighteenth birthday mo. That's the most important part of your life, sweetie and I want it to be memorable and unforgettable because it's once in a blue moon," paliwanag niya sa akin habang nakatingin ng diretso ang pleasing eyes niya sa mga mata ko.

Ano pa nga bang magagawa ko? It's my mom kaya wala akong karapatang humindi o sumalungat sa kanya. I don't want to ruin her bubbles just to make me happy too.

"You call this a surprise? Well, I'm really surprised, Mom. But..." I sighed. "Fine, Mom. Ano po bang susuotin ko na gown mamaya?" Nakita ko ulit ang unti-unting pagsilay ng ngiti sa mga labi niya dahil sa sinabi ko kaya ngumiti na lang ako ng pilit. Magrereklamo pa sana ako pero for what reason? Mangyayari na naman and I somehow like it since it came from my parents.

"Oh, my! Really, sweetie? Pumapayag ka na? Well, wala ka nang magagawa pa. Geez, I'm so excited!"

See? Mas excited pa sila kaysa sa akin na may birthday. Medyo nakakainis lang. Hindi ko tuloy maiwasang mapairap ng palihim.

"Our designer already picked a dress for you. Alam ko naman na kasya at babagay iyon sa 'yo. You're tall and sexy. Lahat ng sinusuot mo ay bumabagay sa 'yo."

"Is that a compliment, Mom? Then, thank you." Napatawa ako habang umiiling-iling dahil sa mga pinagsasabi ni Mommy na kalokohan.

"You're welcome, sweetie. Pero lagi mong tatandaan, like mother, like daughter. Sa akin mo namana lahat ng kagandahan ng katawan mo."

Oh, my God. Mommy ko ba talaga 'to? Lakas makabagets! Ibang-iba!

"Whatever, Mom!" I rolled my eyes while smiling like an idiot. Kinuha ko ang isang magazine na nasa lamesa saka binuksan para basahin pero bumungad sa 'kin ang iba't ibang klase na gowns. Wow! Ang ganda!

"Iyan palang sana ang sasabihin ko sa 'yo, eh. You can also pick kung may magandahan ka man. Puwede pa naman nating ipa-cancel 'yon. Or you can wear it if you feel uncomfortable to your debut dress. What do you think? You like another one?"

Napabuntong-hininga ako at sinara ko na lang ulit ang napagkamalan kong magazine.

"Okay na po 'yon. May tiwala naman po ako sa taste mo, Mom." Sabay kindat ko sa kanya kaya napatawa na lang ulit kami.

"Okay, then. I'll contact your make-up artist and hair stylist. Go fix yourself first. I'll see you later when you're done."

Tumango ako at nagsimula na akong maglakad papunta sa kuwarto ko. Hindi ko na yata mabilang kung pang-ilang beses na akong bumuntong-hininga nang makapasok na ako sa kuwarto at maging sa banyo. Hindi ko man lang kasi maramdaman ang pakiramdam ng mag-e-eighteenth birthday. Parang normal lang na gabi ito na lilipas lang din agad. Nakakainis naman.

Aquarius (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon