Chapter 3: Signs

11.2K 630 77
                                    

GENEVIEVE

Nagising ako sa panaginip na nalulunod daw ako sa tubig. Napabangon agad ako at hinawakan ang dibdib ko na tumataas-baba pa rin dahil sa sobrang kaba at takot na naramdaman ko sa panaginip ko. It felt so real. Everything that happened in my dream felt so real. I was drowning and no one dares to save me.

Pumikit ako at kinalma ang sarili ko. Panaginip lang 'yon. Hindi 'yon totoo. Marunong naman akong lumangoy kaya imposible naman yatang mangyari 'yon, hindi ba?

Napamulat naman agad ako nang marinig kong bumukas ang pinto. Binaling ko agad doon ang tingin ko at nakita ko sila daddy at mommy. Ngayon ko lang din napansin na wala pala ako sa sarili kong kuwarto dahil puro puti ang kulay ng buong paligid.

Guess, this is hospital.

Bigla akong kinabahan nang bumalik na naman sa isip ko ang nangyari sa party. I was afraid. Para bang... para bang nabaliw ako ng panandalian.

"Sweetie! You're awake! Oh, thank God!"

I was taken aback when I heard my mom's voice. Mayamaya lang ay naramdaman ko na lang sa katawan ko ang mainit na mga yakap nila.

"How are you feeling? May masakit ba sa 'yo? Do you need anything? Do you want to eat or drink something? Tell me. Just tell me, okay?" my mom stuttered while cupping the both of my cheeks.

I laughed, "Geez, Mom, I'm fine. I'm great. Don't stress yourself too much. Baka ikaw naman ang ma-ospital." Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila hanggang sa mapabuntong-hininga na lang ako. "I'm sorry, Mom. I'm sorry, Dad."

"Don't be, sweetie. It's not your fault. It's our fault," si mom habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi ko.

"Mom, no. It's not your fault. No one's at fault. I think it's just because of the make-up?"

I'm not sure, anyway. But I hope so. Kinakabahan kasi ako sa tuwing iniisip ko na iba ang dahilan ng pag-atake ng allergy ko dahil simula pagkabata ay wala akong allergy o kahit na anong sakit.

"Uh, by the way, ano po bang sabi ng doktor sainyo? Bakit daw po nangyari iyon sa akin? At ilang oras na po ba akong nandito?" I asked curiously. Suot pa rin kasi nila hanggang ngayon iyong damit na ginamit nila sa party ko. Napansin ko rin na medyo nawala na 'yong mga rashes o pantal sa kamay ko. Ganoon din yata sa mukha at leeg ko.

"Umaga na, sweetie. You slept for more than eight hours. The doctor said that it's just because of the make-up. You're allergic to cosmetics, so the doctor advised us that it's better if you do not apply any cosmetic products on your skin anymore. Don't worry because they already injected you a medicine to lessen the rashes. They also gave us some medications in case na atakihin ka ulit ng allergy mo," my mom explained.

I sighed. Mabuti naman pala at dahil lang iyon sa make-up lang. But, how come? I guess, everything changes pagdating natin sa adolescent stage. Diyan na talaga lumalabas ang ilang mga sakit na hindi natin inakalang mayroon tayo but mostly, kapag tumatanda na tayo. In my case, I guess it's different.

"Sabi ko na nga ba, eh. Akala ko pa naman po kung ano na. Mukha na po kasi talaga akong nabaliw 'non, eh. Mabuti na lang po at dumating na kayo." Natawa naman ako sa sinabi ko pero nginitian lang nila ako.

Nanatili pa kami sa ospital ng ilang oras dahil hindi pa ako pinapayagang umuwi ng doktor. Umuwi muna sila daddy at mommy ng tanghali para daw makapagbihis na sila dahil nagmumukha na raw silang basahan. Kaya habang wala sila ay nilibang ko muna ang sarili ko sa panonood at pagbabasa ng mga mensahe ng kaklase ko at ni Reanna.

Dapit hapon nang makauwi kami sa bahay. Dumiretso agad ako sa kuwarto ko para makapagpahinga. Pakiramdam ko kasi sobra akong napagod. Eh, natulog lang naman ako. So weird, right?

Aquarius (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now