Chapter 9: Solicitude towards Eve

6.7K 450 52
                                    

THIRD PERSON

"Hey," sambit ni Mr. Hutton sa nakatulala niyang asawa habang nakatingin sa kama kung saan nakahiga ang walang malay na si Eve. "Hon," he called again but he received nothing.

Hinawakan niya ang kamay nito saka yinakap ng mahigpit. Naramdaman niya naman ang pagyakap nito pabalik sa kanya at kalaunan ay bigla na lang itong humagulhol habang paulit-ulit na binibigkas ang pangalan ni Eve. Kumalas sila sa yakap at kitang-kita ni Mr. Hutton ang mga luhang patuloy na pumapatak sa mga mata ng kanyang asawa.

"Hon... ang anak natin..." Nauutal at pumipiyok-piyok na sabi ni Mrs. Hutton.

Napatango na lang si Mr. Hutton dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya para mapagaan man lang ng konti ang nararamdaman ng kanyang asawa. Seeing her like this is breaking his heart and seeing Eve to suffer like this is too much.

"May pupuntahan lang ako," paalam ni Mrs. Hutton sa asawa.

Tumayo si Mrs. Hutton mula sa kanyang kinauupuan saka pinunasan ang pisngi niyang nabasa ng mga luha niya. She sighed then closed her eyes and as she opened her eyes again, she looked at her daughter then to her husband.

"Please look after her. No matter what happens, don't leave her. I'll be back as soon as I can." Lumabas ng kuwarto si Mrs. Hutton.

Pagkasara palang niya ng pinto ay agad na siyang nanghina at napaiyak ulit dahil sa sitwasyon na kinasasadlakan nila ngayon. Tatlong araw na simula nang maisugod sa ospital si Eve pero hindi pa rin ito nagigising at wala pa ring pinagbago sa kalagayan niya. Binibisita rin sila ng doktor pero wala itong ibang sinasabi sa kanila kundi ang...

"Don't worry, Mr. and Mrs. Hutton, your daughter will be okay. Everything will be okay..."

Lumipas na ang tatlong araw pero hindi pa rin nila natutukoy kung ano ba talaga ang mali sa anak nila. Habang tumatagal ay lalo lang nadadagdagan ang kaba at takot na nararamdaman nila dahil anumang oras ay maaaring malagay ulit sa alanganin si Eve at gaya nga ng sinabi sa kanila ng doktor, napakadelikado na nito kaya ginagawa nila lahat para hindi na ulit mangyari iyon through the use of alternative methods.

Nakabantay lang sila kay Eve 24/7. Uuwi ang isa sa kanila para kumuha ng mga damit at pagkain pagkatapos ay babalik ulit sa hospital. Kung tutuusin ay sobra-sobrang sakripisyo ang ginagawa nila para kay Eve at nakikita nilang ganoon din ang ginagawa ni Eve dahil patuloy itong lumalaban. To think na ang bahay nila ay hindi na nila masyadong naiintindi because their home is in the hospital... their life is in the hospital.

Nakarating si Mrs. Hutton sa chapel ng ospital. Tiningnan niya ang krus na nakasabit sa dingding at bigla na lang ulit pumatak ang mga luha niya. Nitong mga nakaraang araw ay masyado siyang nagiging emosyonal dahil sa anak nila. Hindi niya inisip na maaaring may malaking impact din ito sa kanyang sarili.

Dahan-dahan siyang naglakad papasok habang nakatingin pa rin sa krus at agad lumuhod nang makarating siya sa unahan. Nahihiya man siya sa kaharap niya ngayon, Siya na lang talaga ang malalapitan at mahihingian niya ng tulong sa sitwasyong ito. It all depends on Him because He is the one who gave them this kind of life. He is the one who gave Eve to them.

"I know this is too much to ask but please... save my daughter," utal na panimula niya. Hindi niya na maalala kung kailan siya huling nagdasal at humingi ng tulong sa Kanya kaya ngayon, sobra siyang nagsisisi dahil hindi siya naging maka-Diyos kahit noon pa man. Kaya siguro sila patuloy na pinapahirapan hanggang ngayon. Kaya siguro ganito na lang ang takbo ng buhay nila.

Kaya siguro hindi sila biniyayaan ng anak... noon.

"Patawarin niyo po ako kung ngayon ko lang ulit ito nagawa. Pinangunahan ako ng takot at galit dahil sa mga nangyari. Patawarin niyo po ako sa kung ano man ang mga naisip, nasabi at nagawa kong mali dahil sa mga naging desisyon ko. It's my daughter... kaya labis-labis akong nag-aalala sa kalagayan niya at hindi ko na kayo naisip kahit noon pa man... I even blamed you for doing this to my daughter but I realized that I'm wrong. I was wrong all this time... I'm sorry. I'm so sorry... please forgive me..." Patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Hindi na rin siya makahinga ng maayos pero pinipilit niya pa ring magsalita. Kailangan niyang gawin ito para sa anak niya at sa pamilya niya.

Aquarius (SOON TO BE PUBLISHED)Där berättelser lever. Upptäck nu