Chapter 20: The Truth

4.5K 258 26
                                    

GENEVIEVE

"Sweetie, you need to eat."

I stared blankly at her. Hindi ko na mabilang kung ilang ulit niya nang sinabi iyan sa akin at nakakarindi na. Sinabihan ko na siya once na ayoko pero talagang mapilit si mommy.

"I said, I don't want to eat!" sabi ko saka kinuha sa kanya ang platong puno ng pagkain at marahas kong itinapon sa sahig na lumikha ng matitinis na tunog ang nabasag na plato. "Don't you understand?! Kapag sinabi kong ayoko, ayoko!" Nanlisik ang mga mata ko. Kita ko ang gulat na gulat na ekspresyon ng mukha nila. Bakit, ngayon lang ba sila nakakita ng nagwawala? O ngayon lang nila nakita ang mala-anghel nilang anak na nagwala?

"Sweetie..."

"Damn it! Stop calling me sweetie! Stop wasting your time and effort to a person who's dying! Stop pretending dahil lalo lang akong nasasaktan!" I shouted kasabay ng isang milyong kutsilyong bumaon sa puso ko.

I looked at them teary-eyed. I want to say sorry... pero pinapangunahan ako ng utak ko sa mga oras na ito kaysa sa puso ko.

"Sweetie, you don't understand. We love you and we're doing the best we can to make you happy and live more. We-"

I cut her off. There's this feeling na kumawala sa 'kin since that day and I can't control it anymore. I feel like I don't know myself anymore.

"Well, guess what? You're not doing your best! Masaya ba ako? Sa tingin niyo ba mabubuhay pa ako ng matagal dahil sa mga pinapakita niyo? Hindi! So stop pressuring me because it sucks! You don't know what it feels... you don't know what I'm feeling right now."

Ayokong umiyak ulit. Ayokong magalit. But I'm confused. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Gulong-gulo na ako. Ganito ba talaga ang LOVE? Nakakabaliw? But I know to myself that there's more. Hindi ko lang mapin-point ng sakto ang rason.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwal nito ang dalawang tao na nanakit sa akin. Tinatagan ko ang sarili ko at matapang akong nakipagtitigan sa dati kong best friend at... boyfriend. Oh, let me scratch that, hindi naman pala 'kami.' Walang relasyon na nabuo kaya bakit ako matatakot? Bakit ako magpapaapekto ngayong nandito sila para harapin ang problemang ginawa nila sa 'kin after how many days? Alam kong mag-so-sorry sila pero tatanggapin ko ba? Hindi.

"Tita, Tito, ano pong nangyari?" he asked.

Ang galang pa rin, ah? Wala pa rin kasing alam sila mommy at daddy tungkol sa ginawa niya at nangyari sa amin.

"What happened to you? Ba't ngayon ka lang ulit nakadalaw?"

Mom, it's because pinagpatuloy nila 'yong naudlot na kap*tahang ginawa nila 'nong graduation day nila. Nabitin eh.

"But anyway, ayaw kumain ni Eve. Magtatatlong araw na simula nang magising siya. Please Binx, help her," dagdag ni mommy.

Crap! I don't need his help!

Nakita ko ang pagtango ni Binx at may sinabi pa siya kila mommy at daddy na hindi ko narinig. Mayamaya lang ay lumabas na sila mommy at daddy at ang naiwan na lang sa loob ay ako, si Reanna at si Binx. Now, now, is this an interrogation room? Funny.

Sinundan ko ng tingin si Binx nang pulutin niya 'yong mga basag na plato at pagkain na nagkalat sa sahig.

"Binx, baka masugatan ka..."

Aquarius (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now