4

785 41 5
                                    

~Andrei~

"Wow! Ang laki pala nitong school na to!" Sabi ni Mark na manghang-mangha.

"Duh! Lagi kayang malaki ang school na pinapasukan natin!" Sagot ni Coby.

"Wait lang. Pupuntahan ko lang yung locker ko. Maglalagay na ako ng mga libro." Sabi ko sa kanila.

"Okay, see you later, Bro!" Sabi nila habang kumakaway.

Habang naglalakad ako, merong mga babae na pinagkakaguluhan ako.

"Andrei, Andrei! Papicture naman o!"

"Andrei, sabay tayong maglunch mamaya!"

"Andrei, ang cute mo!"

"Andrei, sana magkatabi tayo mamaya!"

"Andrei, kantahan mo naman ako!"

Sigaw ng mga babae. Hinayaan ko lang sila. Naglakad ako ng tuloy-tuloy.

———————

~ Allison ~

"Uy! Si Bella o!" Sabi ni Alyssa saakin.

Nakita ko si Bella. Kinawayan ko siya.

"Hi Alyssa, hi Allison!" Sabi ni Bella saamin.

Meron kaming nakitang mga babaeng nagkakagulo doon sa may hallway.

"Bakit sila nagkakagulo?" Tanong ko sa kanila.

"Sigurado akong nagkakagulo sila dahil doon sa mga sikat na singers." Sagot ni Alyssa.

Sumingit si Bella. "Type ko doon si Mark." Sabi niya.

"Sml, sml?" Sabi ni Alyssa.

"Ring, ring, ring!" Ang tunog ng bell.

"Tara na, punta na tayo sa klase natin. Baka pa tayo ma-late." Sabi ko sa kanila.

"Okay." Sabi nilang dalawa.

Habang naglalakad kami, parang nabunggo ako sa pader. Di kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko. Napatingin na ko sa dinadaanan ko.

May nakabunggo ako.

Teka, parang pamilyar yung mukha niya. Napaisip ako.

Luh, si Andrei pala yon. Oo tama nga ako. Si Andrei. Si Andrei Lee.

"Ah, uhm, so- so- sorry." Apologize ko kay Andrei.

Ano ba yan. Nakakakaba. Shet.

"Ano ba yan! Next time kasi tignan mo yang dinadaanan mo!" Sigaw saakin ni Andrei.

Binunggo niya ako. Napaupo ako. At pumunta na si Andrei papuntang klase.

Alyssa and Bella gasped.

"Omg, okay ka lang?" Tanong nila saakin.

"Okay lang."
"Sure ka?"
"Mhm."
"Tara na punta na tayo sa classroom."
"Okay."

Naglakad na kami papuntang classroom. Habang naglalakad napapaisip ako. Bakit maraming babaeng nagkakagusto kay Andrei kung ang yabang yabang niya? Hay nako. Mga babae, madalas sa itsura lang tumitingin. Hindi sa ugali. Siya pa talaga pinili ko sa picture na pinakita ni Alyssa saakin. Psh, epal lang pala siya.

𝐜𝐫𝐮𝐬𝐡 𝐬𝐭𝐫𝐮𝐠𝐠𝐥𝐞𝐬 ➴ taennieWhere stories live. Discover now