19

476 27 0
                                    

~ Andrei ~

Nakaka isang minuto palang nung pumunta na sa clinic si Allison kasama yung nurse, kinakabahan na ako. Ewan ko lang kung bakit. Parang gusto ko siyang puntahan.

"Coby, Mark." Tawag ko sa kanila.

"Oh?" Tanong nila.

"Puntahan ko lang si Allison."

"Yieee. Takot na hindi niya siya makikita!" Asar nila.

"Oy, seryoso ako. Hindi ako nagbibiro. Ikaw na bahala iexcuse ako."

"Bahala ka." Sabi ni Mark.

Tumakbo ako papunta sa clinic.

Lagot. Nakasalubong ko si Prof.

"Mr. Lee? Saan ka pupunta?" Tanong ni Prof.

Oh. Patayyy.

"Uhm, Prof. Uh, naiihi lang po ako."

"Mr Lee., hindi diyan yung papuntang restroom."

"Ay, sorry po."

Tumakbo ako papunta sa restroom. Tinignan ko munang mabuti bago makapasok ng room si Prof.

Nung nakapasok na si Prof. sa room, pumunta na ko papuntang clinic. Tumakbo ako ng soooobrang bilis bago pa may ibang Professor na makakita saakin.

Nung nakapasok ako sa clinic, nandoon sa Allison magisa. Wala yung nurse. May kinuha siguro.

"Huy, bakit ka nandito?" Tanong ni Allison.

"Bakit masama?"

"Oo! Bawal bumisita dito, kung wala ka namang ipapagamot, umalis ka na dito.

"Psh, babantayan ka na nga umaarte ka pa!"

"Ano kamo?!"

"Wala."

"Umalis ka na!"

"Sa ayaw at sa gusto mo, hindi ako aalis dito."

"Bahala ka magisa magtago kapag dumating yung nurse."

"Patingin nga ng sugat mo!" Sabi ko habang hinahawakan yung daliri niya.

"Aray."

"Sorry."

Nagkatinginan kami. Ang awkward kasi ang lapit namin sa isa't-isa tapos sobrang tahimik.

Pinutol ko na yung pag tingin at lumayo na ako sa kanya.

Bumubukas na yung pinto.

"Oy, ayan na yung nurse!" Pabulong na sigaw ni Allison.

Nagtago ako sa ilalim ng lamesa kung saan nakapatong yung kamay ni Allison. Hindi naman siguro ako makikita doon. Okay lang mauntog ako kaysa naman sa makita ako.

After gamutin si Allison, umalis na yung nurse. So, umalis na ako sa ilalim ng lamesa. Ang sakit yumuko eh.

"Tara na." Aya ko kay Allison.

"Sige."

"Sabay tayo maglunch ha?"

"Sorry, sasabay ako kay Cassie kumain."

"ANO? KAY CASSIE?!"

"Oo."

"HOY! MAY PROBLEMA KA BA SA UTAK?! BALIW KA NA BA?! ANG SAMA SAMA NIYA KAYA SAYO. EPAL NGA YUN EH, HINDI NAMAN AKO NANGHIRAM NG BALLPEN SA KANYA TAPOS SIYA YUNG NAGBIGAY NG BALLPE——"

"Huwag ka ngang maingay! Mabait naman siya saakin eh."

"Mabait? Sayo?"

"Oo, ang bait niya talaga. As in soooobra. Nung una akala ko siya yung tipong tao na walang pake sa iba. Parang selfish, ganun. Pero ngayon, ang bait bait niya talagaaa."

"Bahala ka ah. Kung may mangyayaring masama sayo, bahala ka na."

"Oo, syempre walang mangyayari saakin."




———— • ————

sorry po sa slow ud sa f4's bestfriend. kina career ko na kasi talaga tong crush struggles. ang dami ko kasing naiisip na idea. sorry talaga, try ko nalang magud later sa f4's bestfriend!

𝐜𝐫𝐮𝐬𝐡 𝐬𝐭𝐫𝐮𝐠𝐠𝐥𝐞𝐬 ➴ taennieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon