12

557 31 4
                                    

~ Allison ~

Yesss! After 4 days, Sabado na. Wala kasi kaming pasok every Saturday. 2 days ang pahinga namin! Pwede na yon kaysa naman sa Sunday lang ang pahinga!

May nag doorbell sa bahay ko.

"Ding dong, ding dong!"

[ganda na tunog ng doorbell amp HAHAHAAHA]

Tumakbo ako sa pinto at binuksan yung pinto.

Si Alyssa pala yon.

"Hi Besh!" Bati niya.

"Oy."

"Wag ka ngang bumati ng ganyan, nakakakaba eh!"

"Bakit kayo absent ni Bella? Gumala kayo nang hindi ako kasama noh?"

"Hindi ah! Bakit namin yon gagawin?"

"Eh bakit kayo absenttt?"

"Kasi... Teka lang, papasukin mo muna ako."

Umusod ako sa daanan at pinapasok ko si Alyssa.

Tumakbo kami sa taas papunta sa kwarto ko.

Naunang makapasok si Alyssa sa kwarto ko, tumakbo siya at binuhat si Milky (yung pusa ko kung hindi mo na tanda) at umupo sa bed ko.

"Sooo... anuna?" Tanong ko habang umuupo.

"Wag kang mapipikon sa sasabihin ko ah?"

"Sige, ano?"

"Hindi kami pumasok para makasama mo si Andrei buong araw."

"ALYSSAAAA!"

"Oo na, sorry, sorry."

"Ikaw ang nakaisip nito noh?"

"Uh... yup?"

"Bakit mo yon ginawaaaa?!"

"Kasi bagay kayo noh!"

"Ehem, tao kami hindi kami bagay!"

"Alli naman oh!"

"Pag inulit niyo ulit to... lagot na talaga kayo."

"Promise, hindi na mauulit."

"Good."

"Nga pala, kamusta kayo? Anyare doon sa apat na araw na wala kami?"

"Bagsak na kayo, tatlong absent na kayo eh."

"Oy hindi ah! Pumasok kami. Hindi lang kami nagpapakita. Di nga din kita nakita eh! Miss na kita!"

"Hindi kita namiss."

Nagpout ako, ang sarap niyang asarin hahahah.

"Dali ano kasing nangyari?!"

"Gossip gossip si Cassie. Yan tuloy maipagtanggol ako nung tatlong pogi."

"Nag gossip tungkol sayo?"

"Oo."

"So, pati yung lablab namin ni Bella ipinagtanggol ka???"

"Oo, masama?"

"Oo! Amin lang silaaaa!"

"Eh hindi kayo nagpakita eh! Bleh!"

Inirapan niya ako.

𝐜𝐫𝐮𝐬𝐡 𝐬𝐭𝐫𝐮𝐠𝐠𝐥𝐞𝐬 ➴ taennieWhere stories live. Discover now