18

488 28 2
                                    

~ Allison ~

After class, pumasok na ako sa next class ko. Ayun, kasama ko parin yung tatlong gwepo. Ewan ko. Basta sila Lyssa lang ang nag pangalan sa kanila non.

Pagpasok ko sa room, nakasalubong ko si Andrei.

"Dala mo yung glue gun para sa gagawin nating project?" Tanong niya saakin.

"Oo." Sagot ko.

"Nga pala, sino-sino mga members natin?" Tanong ko.

"Edi yung dalawa."

"So, only girl akooo?"

"Ganun na nga."

Umupo na kami sa upuan at hinintay si Prof.

Pumasok na si Prof. sa room.

"Nagdala na ba kayo ng mga materials na kailangan?" Tanong ni Prof.

"Yes po." Sagot namin.

"Sige, mag start na kayo."

Tumayo na kami at pumunta sa mga kagrupo namin.

Nagsimula na kaming gumawa.

"Kanino nakaassign yung mga stick na matitigas?" Tanong ni Andrei.

"Saakin." Sagot ni Mark.

"Cutter?"

"Sakin." Sagot ni Coby.

"Yung ibang pang-extra na saakin." Sabi ni Andrei.

"Sige, mag start na tayo." Sabat ko.

Actually, expert ako sa mga ganito. Heheh.

"Akin na yung stick. Icucutter ko." Sabi ko habang inaabot yung mga materials.

"Uhm... Allison, sure ka? Kami yung lalaki baka dapat kami ang gumawa non." Sabi ni Coby habang binibigay saakin yung mga materials.

"Oo naman." Sabi ko habang sinisimulan ko na.

Kinacutter ko yung stick. Medyo matigas pero kaya ko naman.

Hinahanda na nila yung ibang kailangan.

Ang tigas nung stick. Ang hirap gumamit ng cutter para dito.

Dumulas yung cutter sa kamay ko nung kinucutter ko yung stick.

Aray. Ang sakit. Dumudugo yung kamay ko. Napapaluha na ako, pero ayokong umiyak. Nakakahiya, sabihin nila iyakin ako.

Tumulo yung dugo sa sahig. Tsaka nila napansin na dumudugo yung daliri ko.

"Hala. Allison, okay ka lang?" Tanong ni Coby.

"Oo, okay lang ako. Ouch."

"Hindi ka okay. Wait lang kukuha ako ng tissue."

Kumuha siya ng tissue at binigay ito saakin.

Binalutan ko yung nasugatan kong daliri sa tissue. Tapos, nakita ni Andrei at Mark.

"Luh, Prof!" Nagtaas ng kamay si Andrei.

"Yes, Mr. Lee?"

"Nagdudugo po yung daliri ni Allison dahil po sa cutter."

"Tawagin niyo yung nurse."

"Ako nalang tatawag." Sabi saakin ni Mark.

"Sige, thanks."

Tumayo siya at lumabas para tawagin yung nurse.

"Tara, baba tayo. Samahan kitang pumunta sa nurse." Sabi ni Coby.

"Wag na. Tinawag naman na ni Mark." Sagot ko.

Lumapit si Cassie.

"Omg, Alli, are you okay?"

Hindi ako makapaniwala na tatanungin ako ni Cassie. Akala ko pagtatawanan lang niya ako at pagsasabihan akong clumsy. Pero hindi naman nagsound fake siya. Bait naman pala.

"Okay lang, hiwa lang toh."

"Sure?" Tanong niya.

"Yes." Sagot ko.

Hinawakan ni Andrei yung daliri ko. Nagulat ako.

Nung hinawakan niya ako, hindi ko na naramdaman yung sakit. Parang wala akong sugat. Shucks.

"Ang laki ng hiwa mo." Sabi niya saakin.

"Hindi naman masakit. Parang kagat lang ng langgam. Heh." Sagot ko nang nakangiti.

Just then, dumating na yung nurse at tinawag ako.

Tumayo ako at sumunod sa nurse.


————— • —————

based on my experience ulit! heheh. nagpapasalamat ako dahil nagkasugat ako para magkaroon ng idea sa story ko. HAHAHAHAH. hindi naman lahat ng eksena nangyari saakin. yung nasugatan lang ako, skl ;)) shoutout sa sugat ko! :)

𝐜𝐫𝐮𝐬𝐡 𝐬𝐭𝐫𝐮𝐠𝐠𝐥𝐞𝐬 ➴ taennieDonde viven las historias. Descúbrelo ahora