28

380 27 0
                                    

~ Bella ~

Saturday in the morning

Sa wakas, nakarating na ako sa bahay ni Cassie. Ang haba haba ng nilakad ko papunta rito. Nag doorbell ako.

May bumukas agad ng pinto. Si Cassie.

"Hi." Bati ko habang pumapasok sa loob ng bahay niya.

"Oh, 8 o'clock palang ah. Ang aga mo. Diba ang usapan 8:30?"

"Hm, sorry. Excited na ko eh."

"Sige."

Naglakad kami hanggang sa makarating ako sa likod ng bahay niya. Ang lakiiiii ng pool. Grabe, isang mayamang babae ininvite ako sa bahay nila. Wew.

"May daanan pala dito sa backyard."

"Oo. Kaya nga ako nagtaka nag doorbell ka pa sa harapan. Wala na nga kaming gate dito para makapasok agad kayo."

"Heh."

[Fast forward]

8:30 am

Nandito na yung dalawa, kasama yung tatlong gwepo.

"Oh! Hi Bella, hi Cassie!" Bati nila saakin at kay Cassie.

Kumaway lang kami.

"Ang aga mo ata Bella. Ikaw unang nakarating dito."

"Heheh. Excited lang kasi ako ng sobra."

"Kumain na ba kayo ng breakfast?" Tanong ni Cassie sa aming lahat.

We just nodded.

"Okay! Magbihis na tayo ng pang swimming natin at mag swimming!" Announce ni Cassie.

"Wohoo!~" Cheer naming lahat na parang mga baliw.

Nagbihis na kaming lahat. After naming magbihis, nagsitalunan na kami sa pool. At yon, swimming swimming.

Tumayo si Cassie at umahon ng pool. Sinenyasan niya ako na pumunta ako sa kanya. So, umahon ako at lumapit kay Cassie.

"Ano yon?" Tanong ko. Sobrang inosente nung pagkatanong ko.

"Baka nakakalimutan mo ha?! Yung plano ang pinunta mo dito, hindi para mag saya!"

Natakot ako sa sinabi niya.

"Sigurado ka ba diyan?! Sa tingin ko kasi eh... masasaktan si Alli sa gagawin natin."

"Hindi yan. Pag naging kayo ni Mark, magkakabalikan din yon."

"Okay, sinabi mo yan ah."

Bumalik ako sa pool. Tinignan ko si Alli. Sobrang saya niya. Ayokong ako ang maging dahilan kung bakit siya masasaktan. Pero, kailangan ko tong gawin.

"Alli, pasensiya na sa gagawin ko." Bulong ko sa sarili ko.

Back sa plan, nagkunwarian akong nalulunod sa pag hihihiyaw at pagtaas ng kamay ko. You know na, para mapansin ako ni Mark. Shookz. Nakakahiya. Pinagsisisihan ko na tong ginagawa ko. Feeling ko may isang magsasabi saakin na "nungginagawamuuu?" sa akin at napatawa nalang at hindi matuloy ang plano. Pero pinagpatuloy ko pa rin.

"Tulong! Tulong! Tulong!"

Nagtinginan silang lahat. Si Mark ay palapit na saakin. Inangat niya ako at inahon sa pool.

"Okay ka lang?"

Grabe ang ganda nang mga mata niya. Nakita ko pa yon ah! Andrei elbowed Coby.

"Okay ka lang?" Unulit niya.

"Oo, thanks. Di ko ineexpect na ikaw tutulong saakin."

Actually, expected ko na yun. HAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHAH.

Ngumiti lang siya.

"Basta, mamahinga ka muna diyan."

I just nodded at tumungo na siya papuntang pool. Tumingin ako kay Cassie at nakangiti siya. Binigyan niya ako ng thumbs up. Ngumiti lang ako pabalik.

Pumunta yung dalawa patungo saakin at tinanong ako.

"Okay ka lang?" Tanong ni Alli.

"Oo." Sagot ko.

"Syempre okay na yan. Si Mark ang tumulong sa kanya eh. Kung hindi si Mark baka patay na yan diyan." Sabat ni Lyssa.

"Uy, buset. Di agad ako mamamatay, baliw!"

Nag tawanan sila.

"Grabe yon ah! Napansin ka ni "Markie mo"!"

Natawa din ako.

"Mga baliw!" Sigaw ko.

𝐜𝐫𝐮𝐬𝐡 𝐬𝐭𝐫𝐮𝐠𝐠𝐥𝐞𝐬 ➴ taennieWhere stories live. Discover now