10

590 33 3
                                    

~ Allison ~

Papasok nanaman ako sa school. Sana mag Friday na agad! Tinatamad na ako kahit Tuesday palang. Pangalawang araw ko palang dito kaso tamad na tamad na ako. Pero para saakin okay lang maging tamad kahit minsan. Or, sabihin nating madalas. Eh kasi naman, lagi akong nakikinig sa Prof. namin. Kaya kung may gagawin, alam ko na agad kahit hindi ako nag review.

Nung naglalakad na ako sa hallway, napansin ko wala si Alyssa. Oo, wala siya kasi nga nasa ospital pa Lolo niya. Pero bakit pati si Bella wala?

Paano yan kung wala sina Alyssa? Wala akong kasama. Ang pwede ko lang makasama ay yung tatlong singers. No choice eh, sakanila ako lumapit.

"Uhm, hello." Ang sabi ko sa kanila na parang pang nahihiya.

"Hi! Nakita mo si Alyssa?" Tanong ni Coby.

"Di siya papasok." Sagot ko kay Coby.

"Eh si Bella?" Tanong ni Mark.

"Psh, pati yon wala." Sagot ko.

"H0y." Sabat ni Andrei.

"Anooo?!" Sagot ko.

"Habang wala pa yung mga kaibigan mo, kami muna ang magiging kasama mo." Sabi ni Andrei.

"Huh?" Tanong ko.

"Kami muna ang magiging kasama mo habang wala pa yung mga kaibigan mo. Wala ka namang ibang makakasama kundi kami lang diba?"

Inexplain pa ni Andrei saakin. Ano ako sa tingin niya, tenge?

"Uhm, okay." Sagot ko.

"Ring, ring, ring!" Tunog ng bell.

"Tara pasok na tayo sa room. Baka ma-late pa tayo sa klase." Sabi ni Coby.

"Okay." Sagot namin.

Habang naglalakad kami, may naririnig akong bulungan parang pinaguusapan kami. Ay hindi, ako lang pala.

"Ano siya, gustong sumikat kaya sumasama kina Andrei?"

"Sa tingin ko, ganun na nga."

"HAHAH magaling ba siyang kumanta?"

"user para sumikat!"

"di naman sila close tapos susunod siya sa kanila? watdapak."

"Hala, diba Cassie siya yung tumisod sayo?"

"Oo siya nga, yang bruhang yan!"

Wow naman, ang galing nila gumawa ng storya, pwede silang maging katatawanang author.

Hinarangan ni Cassie yung dinadaanan namin.

"O, anong kailangan mo?" Tanong ni Andrei kay Cassie.

"Hindi ko kayo kailangan, kailangan ko lang yang babaeng yan. Para hindi kayo mairita. Sunod kasi ng sunod sa inyo eh." Sagot ni Cassie.

Oo nga, pwedeng pwedeng maging author. Galeng.

"Wag ka na kayang mangialam. Kami ang nagsabi na sumunod siya saamin." Sagot ni Coby.

"Talaga? Mukha kasing gagamitin lang kayo niyan para siya sumikat." Sagot ni Cassie. Nakuha pa talaga niyang ngumiti ah.

"Tigilan mo nga siya. Hindi naman siya user. Hindi din tulad mo na sinungaling." Sagot ni Andrei.

Thanks Andreiiiii. Kung hindi dahil sayo, napahiya na ako.

"Cassie, wag kang basta bastang magsalita. Dahil kung sisiraan mo ko, sisirain ko din ang pagiging sikat mo." Bulong ko kay Cassie.

"How dare you——!"

Sasampalin niya na dapat ulit ako.

Kaso napigilan ulit siya. Si Mark naman ang pumigil sa kanya.

"Umalis ka na." Utos ni Mark kay Cassie.

Umalis na si Cassie.

Nung umalis si Cassie tinanong nila ako.

"Okay ka na?" Tanong ni Mark at Coby.

"Syempre naman." Sagot ko.

"Sige, tara na." Aya ko sa kanila.

———— • ————

HAHAHAHAH karma ni casie mwahahahaha hahah.

𝐜𝐫𝐮𝐬𝐡 𝐬𝐭𝐫𝐮𝐠𝐠𝐥𝐞𝐬 ➴ taennieWhere stories live. Discover now