30

381 22 1
                                    

~ Allison ~

Tumayo na ako at umahon nang pool dahil nilalamig na ako at nasisipon na ng konti.

"Oh, nilalamig ka na?" Tanong ni Alyssa.

"Oo. Maliligo na ko para makabihis na din." Sagot ko.

"Okay."

Lumapit ako kay Cassie na kanina pa naka ahon sa pool.

"Caz,"

"Hm?"

"Pwede bang makiligo?"

"Sure. Nga pala, may towel ka na ba? Kung wala pa, papahiramin kita ng towel ko." She said with a grin.

"Hindi, may dala na ko. Thanks anyway." Ngumiti ako pabalik.

"Okay. Tara, hatid na kita sa banyo."

"Sige."

Naglakad kami papuntang banyo niya. Wow, ang laki ng banyo niya! Ang layo sa banyo ko. Omg.

"Thank you, ha."

"Wala yon."

Pumasok na ako sa banyo niya at nilock yung pinto.

[Fast forward]

After kong maligo, nagbihis ako sa kwarto ni Cassie. Syempre nagpaalam muna ako sa kanya na doon ako magbibihis.

After kong magbihis, may kumatok sa room ni Cassie. Binuksan ko yung pinto.

Si Cassie.

"Alli,"

"Hm?"

"Curious lang, nakita mo na ba to?"

May pinakita siyang picture.

May pinakita siyang picture

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Uhm... anong meron diyan?"

"Sa tingin mo loyal sayo si Drei?"

"Sa tingin ko, ex niya yan."

"Hindi. Kakaupload lang nito kahapon."

"Kasama ko si Andrei kahapon."

"Late upload daw. May hashtag pa nga oh. May heart emoji pa."

"...."

"May nagcomment pa na kayo na ba, tapos sagot nung babae oo."

"Uhm, sa tingin ko kailangan ko nang umalis."

Tumalikod ako.

"Alli!"

Lumingon ako.

"Makipagbreak ka na kay Andrei. Sa tingin ko talaga, niloloko ka na niya."

Hindi ko siya pinansin, umalis na ako.

Nung nasa labas na ako, nakita ako nila Bella.

"Aalis ka na?" Tanong nung dalawa.

"Oo."

"Wag niyo na muna akong bisitahin. Kailangan ko muna maging mag-isa."

"Uhm... okay..."

"Allison, uuwi ka na?" Tanong ni Andrei.

"Hindi pa."

"Saan ka pupunta?"

"Kailangan mo pa ba talagang alamin?"

Nagulat siya sa sagot ko. Hinayaan ko siya at umalis na ko. Rinig na rinig sa labas yung mga boses nila, lalong lalo na si Mark. Nangingibabaw yung boses. Habang naririnig ko yung boses ni Andrei, napapaluha ako. Hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba si Cassie. Pero sa tingin ko totoo yung sinasabi niya.

𝐜𝐫𝐮𝐬𝐡 𝐬𝐭𝐫𝐮𝐠𝐠𝐥𝐞𝐬 ➴ taennieWhere stories live. Discover now