20

479 29 0
                                    

~ Allison ~

Finally, lunch break na. Oo nga pala! First time kong makakasabay si Cassie na kumain! Excited na koooo.

Nakita ako ni Cassie sa may locker ko. Nilapitan niya ko.

"Tara, kain na tayo." Aya ni Cassie saakin.

"Ah, sige." Sagot ko na parang nahihiya pa ko.

"Wait, hindi mo isasama mga friends mo?"

"Uh, pwede ba?"

"Sure, why not?"

"Uh, sige."

"Mauna na lang ako sa cafeteria. Sumunod kayo ng friends mo ha!"

"Okay."

Tumalikod na siya at naglakad papuntang cafeteria.

Tumakbo ako ng mabilis para hanapin yung dalawa. Nakakahiya kasi kay Cassie kung malalate ako ng sobra.

Nakita ko si Alyssa.

"Lyssa, san si Bella?"

"May kinuha lang doon sa room. Naiwan niya yung libro niya eh. Bakit?"

"Sasabay tayong kumain kay Cassie."

"Huh? Seryoso ka?"

"Oo, alam ko na kung ano sasabihin mo. Mabait naman siya eh, don't worry."

"Okay, sinabi mo eh."

Lumabas na si Bella sa room.

"Bella!"

"Oh,"

"Punta na tayo sa cafeteria, kasabay natin kumain si Cassie."

"Anooo?"

"Oo. Magiging okay tayo."

"Sure ka? Baka kasi may planong gawin si Cassie."

"Oo nga, sure ako. Tara na!"

Sumunod sila saakin papuntang cafeteria.

Nakita namin si Cassie. Nandoon sa bandang dulo. Tinatawag niya pa ko.

"Allison! Allison!"

Tumakbo ako papunta doon. Naglakad lang yung mga kaibigan ko.

"Hi Alyssa, hi Bella."

"Hello." Sagot nila.

"Upo na kayo o. Sana magustuhan niyo yung inorder ko sa inyo. Favorite ko kasi yan. Baka maging favorite niyo din."

"Ah, okay. Thanks." Sabi ko habang nakangiti.

Kumain kami. Wala namang ginawang masama si Cassie.

"Nga pala, Alli."

"Huh?"

"Kayo na ba ni Andrei?"

Nasamid ako at muntik ko nang mabuga yung iniinom kong tubig.

"Uh, sorry. Okay ka lang ba?"

"Oo. Okay lang ako."

"Pero seryoso, kayo na?"

"Hindi ah!"

"Ah okay." Sabi ni Cassie habang nakangiti.

"Sige, mauna na ko. May gagawin pa kasi ako eh. Bye!" Paalam ni Cassie.

"Cassie!"

"Yes?"

"Magkano ba to?"

"Secret. Wag mo nang bayaran."

Umalis na si Cassie.

"Uy mga besh, ang tahimik niyo."

"Ayoko kasing makasabay kumain yon." Sabi ni Bella.

"Oo nga." Sabat ni Alyssa.

"Mabait naman siya eh!"

"Oo nga, pero feeling ko hindi ka safe pag kasama mo siya!" Sabi ni Alyssa.

"Bahala na. Alis na ko, bye." Paalam ko sa kanila.

"Huy, Alli." Tawag ni Bella.

"Ano?"

"Bakit ka may band-aid?"

"Nahiwa ako."

"ANOOO?!"

"Okay lang ako, hindi naman masakit eh. Sige, bye!"

Umalis na ako.

𝐜𝐫𝐮𝐬𝐡 𝐬𝐭𝐫𝐮𝐠𝐠𝐥𝐞𝐬 ➴ taennieWhere stories live. Discover now