7

614 36 1
                                    

~ Allison ~

After ng lunch break, tumambay muna kami ng friends ko sa hallway. Nakasandal lang kami sa pader, at nakakalat lang yung paa ko, hinayaan ko lang, wala naman masyadong naglalakad. Walang matitisod.

"Alam niyo, ang bait talaga ni Mark." Kwento ni Bella.

"Nag-enjoy nga ako eh." Sabi ni Alyssa.

"Share niyo lang!" Sabat ko.

"KJ neto." Sabi ni Bella.

"Hayaan mo siya, di kasi siya nag-enjoy eh." Sabi ni Alyssa.

Just then, dumaan si Cassie. Yung pinaka popular at pinaka sikat dito sa Kyung Hee University.

"Ugh, aray!"

Luh, patay ako. Nananampal pa naman to.

"Hala! Okay ka lang?" Tanong ko.

Tinulungan ko siyang tumayo.

"DO NOT TOUCH ME!"

Napatingin ang lahat ng tao dito sa hallway.

"Sorry talaga, Cassie."

"Sorry? Anong sorry? Nadumihan yung damit ko dahil sayo!"

"Sorry Cassie, hindi ko naman sinasadya."

"Sinadya mo to noh? Siguro inggit ka saakin. Ako kasi sikat dito sa school, ikaw hindi!

"Hindi, hindi ako inggit, sorry."

Hinanda niya yung kamay niya para sampalin ako, napayuko nalang ako.

"Nagdedeny ka pa ha! Gusto mong sampalin kit—"

Yumuko na talaga ako. Pero may pumigil sa kanya.

Si Andrei.

Hindi ako makapaniwala na si Andrei yon. Bakit niya yon ginawa, hindi ba dapat pinagtawanan niya ako. Pero thankful naman ako.

"Cassie, tigilan mo siya." Sabi ni Andrei.

Napatingin si Cassie kay Andrei. Lumapit si Cassie saakin at sabi niya,

"Swerte kang may pumigil saakin, pero kung hindi, nasa sahig ka na at umiiyak."

Umalis na si Cassie. Paalis na din si Andrei.

"Wait," Tawag ko kay Andrei.

Huminto siya sa paglalakad at lumingon sa akin.

"Ano yon?" Tanong niya.

"Bakit mo yon ginawa?"

"Huh?"

"Bakit mo ako ipinagtanggol kay Cassie?"

"Kahit ibang tao pa yon, pipigilan ko pa rin siya."

"Eh diba galit ka saakin? Kahit ba sa taong kagalit mo, ipagtatanggol mo parin sila kay Cassie?"

"Hindi."

"Eh bakit?"

"Hindi ko rin alam. See you sa next class nalang."

Umalis na si Andrei.

Hindi. Pa. Rin. Ako. Makapaniwala. Sa. Nagyari.

"Ayyiieee~" Asar ni Alyssa.

"Ano ba naman kayo! Hindi ko nga siya type!"

"Siya nga yung pinili mo sa picture eh, kunwari ka pa!" Sabi ni Alyssa.

"Oo nga, pinagtanggol ka pa nga niya eh." Sabi ni Bella.

"Dapat pala, mag thank you ako."

"Oo nga." Sagot ni Bella

"Dapat lang noh!" Sabat ni Alyssa.

"Nakakakilig." Sabi ni Bella.

"Yan ang first sign of love." Sabi ni Alyssa.

"Hoy, tigil-tigilan niyo ko ah!" Sabat ko sa kanila.

"Uy wag, nagiging ala-Cassie ka na!" Sabi ni Alyssa

"HHHAHAHAHHAHHAAHAH" Tawa ni Bella.

Napatawa rin naman ako.

————— • —————

yiieeee, nagsisimula na yung love story nila~ <3

𝐜𝐫𝐮𝐬𝐡 𝐬𝐭𝐫𝐮𝐠𝐠𝐥𝐞𝐬 ➴ taennieWhere stories live. Discover now