27

401 25 0
                                    

~ Andrei ~

[Cassie and Bella's plan.]

Nandito kami ngayon sa cafeteria. Kumakain kami at nagkwekwentuhan. Lunch break na kasi. Kaso, may kulang. Si Bella.

"Guys, may bibilhin pa kong pagkain." Sabi ni Alyssa.

"Takaw naman." Sagot ni Coby.

"Di wow."

"Sama na ko." Sabat ni Allison.

"Sige, Tara na." Aya ni Alyssa.

Tumayo sila sa mga upuan nila at nagorder na ng isa pang pagkain.

"Eh Ikaw, Mark," Sabi ni Coby.

"Ano?"

"Kailan ka pa mangliligaw kay Bella?"

"Wala akong balak."

"Huh, bakit naman?" Sabat ko.

"Nahihiya ako eh."

"Bakit ka mahihiya?"

"Malay mo, ireject ako."

"Hindi mo malalaman kung hindi mo itatry. Malay mo din, naghihintay lang si Bellang magtanong ka."

"Basta, sa susunod nalang."

"Bro, kung tunay na lalaki ka. Dapat mo lang na itry." Sabat ni Coby.

Hindi na sumagot si Mark.

Bumalik na yung dalawa.

Kumain ulit sila.

[Fast forward]

Tapos na kaming kumain. Pero may biglang lumapit sa table namin. Si Bella.

"Oh Bella, bakit ngayon ka lang? Kumain ka na ba?" Tanong ni Alli.

"Oo. Sorry, hindi niyo ko nakasama."

"Okay lang."

"May time pa naman eh bago mag bell, I will stay here muna. Pwede ba?"

"Syempre naman!" Sigaw ni Alyssa.

Nung nakaupo na si Bella, (Tumabi pa kay Mark, ayieee.) biglang lumapit sa table namin si Cassie.

"Hi guys!"

"Hello." Sagot ni Allison at Bella pabalik.

"May good news ako!"

"Ano yon?!" Napalakas ng tanong si Bella.

"Iniinvite ko kayo sa Saturday na pumunta sa bahay ko. May party ako. Magswimming kayo sa bahay ko ah? Oh, ano? Pwede ba kayong lahat sa Sabado?"

Nagtinginan muna kaming lahat.

"Ah, sige!" Sagot naming lahat.

Si Bella yung pinaka masaya sa aming anim.

"Sige, mga 8:30 in the morning hanggang 9:00 in the evening."

"Wow, ang tagal nun ah." Sabi ni Allison, amazed na amazed.

"Syempre! Sige ah, see you there!"

Tumalikod na si Cassie at umalis.

"Guys! Hindi ako makapaniwala na iniinvite tayo ni Cassie makipagparty sa bahay niya!" Sabi ni Alyssa.

"Oo nga eh. Feeling ko, yun na yung pinaka masaya kong araw ngayong taon." Sagot ni Allison.

"Snl?" Tanong namin ni Coby.

"Huh?" Tanong ni Alli at Lyssa.

"Share niyo lang." Sabay parin kaming nagsalita ni Coby.

"Baliw, ano yan pauso niyo?" Tanong ni Alli.

Nagsitawanan kaming lahat.

𝐜𝐫𝐮𝐬𝐡 𝐬𝐭𝐫𝐮𝐠𝐠𝐥𝐞𝐬 ➴ taennieHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin