16

511 30 2
                                    

~ Allison ~

Shet, Monday na ulit. Pasok na ulit. Back to normal na ang buhay. Great.

Pagpasok ko ng hallway, nakita ko agad si Alyssa at Bella.

"Elow, besh!" Bati nila saakin.

"Hi." Sagot ko.

"May sasabihin nga pala ako sa inyo. Wag niyong ipagkakalat." Sabi ko sa kanila.

"Ano yon?" Tanong nila.

"Wag kayong tatawa, k?"

"Yep."

"Crush. Ko na. Si. And. Rei. Andrei. Lee. Gerald. Andrei. Lee."

"Omg, seryoso?!"

"Uhm... oo."

"Paano mo nasabi yan saamin ng ganon kasimple?" Tanong ni Alyssa.

"Ano gusto mong emosyon ko?"

"Basta. Pero crush mo talaga? As in crushhhh?"

"Eh... crush ko siya kung tama ako. Bumibilis ang tibok ng puso ko tuwing nakakachat ko siya, nakakausap, at nakikita."

"So crush mo nga talaga." Sabat ni Bella.

"Yieeee." Asar nila.

"Di ka namin iistorbohin sa klase. Have fun with Andrei."

"Wow ha."

"Hakdog."

Just then, papunta saamin yung tatlong lalakeng baliw.

Lumapit saakin si Andrei. Ayan nanaman, ang bilis ng tibok ng puso ko. Bakit ko nanaman ba to nararamdaman?

"Alli." Tawag niya saakin.

"O?"

"Wala lang."

"Ganda mo talaga."

"Pogi ako noh!"

"Di wow!"

"Disagree ka?"

"Oo."

"Maiwan muna namin kayo." Sabat ni Bella.

Iniwan kami nung apat. Ang galing talaga. Bakit kung kailangan ko sila, bigla silang aalis?

"Punta na tayo sa klase." Aya ni Andrei.

"Okay."

Naglakad kami sabay. Nakikita ko na yung mga kabarkada ni Cassie ay nagbubulungan nanaman. Panira o. Feeling ko couple na kami tapos manggugulo lang sila! Teka, anong pinagsasasabi ko sa isip ko? Baliw na ba koooo?

Nung nakarating na kami sa classroom umupo siya sa tabi ni Lauren.

No escape. Ang natitirang upuan nalang ay yung kay Cassie.

"Hi Alson!" Sabi niya habang umuupo ako.

"Hi. Allison yon, heh."

"Ay sorry, Alson ay.. este Allison."

May kumalabit saakin. Lumingon ako. Si Andrei.

"May extra ballpen ka?"

"Uhm..." Sagot ko habang kumukuha ng ballpen sa bag ko.

"O. Eto na. Meron naman ako eh." Sabat ni Cassie habang inaabot niya yung ballpen kay Andrei.

"Uhh... thanks." Sabi ni Andrei habang kinukuha yung ballpen.

Wow panira. Nananadya ba si Cassie or feelingera lang talaga siya? Bad trip. Nakakaloka tong Cassie na to. Sarap ibaon sa lupa. HAHAHAAHAH. Epal lang eh.


————— • —————

naexperience ko po yung ballpen part. mangaagaw these days eh. hehehe. nakakaiyaq :((

𝐜𝐫𝐮𝐬𝐡 𝐬𝐭𝐫𝐮𝐠𝐠𝐥𝐞𝐬 ➴ taennieWhere stories live. Discover now