23

427 31 0
                                    

~ Alyssa ~

Naglalakad na kami ni Bella pauwi. Kaso may kulang, si Allison.

"Beh." Tawag ko kay Bella.

"Oh?"

"Asan si Alli?"

"Ewan, basta sigurado ako na kasama niya ngayon si Cassie."

"Pano mo naman nasabi?"

"Ang weird kasi ni Alli ngayon eh. Lagi nalang siyang nakabuntot kay Cassie. Ay hindi, sabihin nalang nating baliktad. Laging nakabuntot si Cassie kay Alli."

"Pwede din. Pero... bakit naman?"

"Huh?"

"Bakit lagi nalang siyang sumasama kay Allison? May kailangan ba siya, o ano?"

"Siguro may plano. Ewan!"

"Tawagan ko nga."

"Sige."

Kinuha ko yung phone ko at tinawagan si Allison. Hindi siya sumagot.

"Hindi sumasagot eh!"

"Hayaan mo na muna siya. Baka kailangan niya ng tulong kay Cassie."

"Sa bagay. Kaso, bakit hindi nalang saatin humingi ng tulong?"

"Ewan ko. Basta, bukas alamin natin."

"Sige."

Nagpatuloy kaming lumakad hanggang sa nasa harapan na namin yung bahay ni Bella.

"Sige, mauna na ko. Hindi ka pa ba uuwi?"

"Mm, magpapahangin lang ako."

"Ah, okay. Sige ah, bye!" Sabi ni Bella habang kumakaway.

Kinawayan ko siya pabalik at sinara na niya yung pinto.

Naglakad ako at sinilip ko yung bahay ni Allison. Patay ilaw, at lock yung pinto. Wala pa siya sa bahay. Madali ko lang nakita ang bahay ni Allison kasi magkapitbahay kaming tatlo.

Nagtataka ako kung bakit lagi nalang niyang kasama si Cassie at hindi kami. Sigurado naman ako na hindi niya kami ipagpapalit sa iba. Pero bakit? Feeling ko talaga may masamang balak si Cassie. Pero, kailangan ko munang bigyan ng privacy yung kaibigan ko. Tsaka nalang ako lalapit. Pag may chance nalang.

𝐜𝐫𝐮𝐬𝐡 𝐬𝐭𝐫𝐮𝐠𝐠𝐥𝐞𝐬 ➴ taennieWhere stories live. Discover now