5

741 38 4
                                    

~ Allison ~

Nung pumunta na kami ng klase. Late na kami. Yang Andrei na yan kasi eh. Tuloy first day na first day napagsabihan agad kami. Tapos tumawa pa si Andrei nung napagsabihan kami. Salbahe talaga.

Naghahanap na kami ng upuan. Si Alyssa, katabi niya si Coby. At si Bella, katabi niya si Cassie.

Ako naman, no choice... Yun nalang ang nagiisang upuan. Yung katabi sa upuan ni Andrei. So, doon nalang ako umupo.

"O, ikaw nanaman? Stalker ka ba?"

"Hoy, for your info. ito nalang ang nagiisang upuan na pwede kong upuan. Ayoko nga dito eh!"

Inirapan niya ko.

Sus, feeling niya kahit sikat siya, pwede niyang gawin kung anong gusto niya?

Tinitignan ko si Alyssa at Bella hanggang tumingin sila saakin. Nung tumingin na sila saakin, ginagalaw ko yung mata ko. Yung parang signal for help. Pero di nila gets. Ang slow nila. Luckily, lumabas si Prof. at may kinuha siya so kumuha ako ng papel, nagsulat ng "tulungan niyo ko dito.", at tiniklop-tiklop ko yung papel hanggang sa maging eroplano ito at pinalapad ko kay Alyssa, pero patungo kay Bella yung papel so siya yung nakabasa. Nakita kong binabasa niya at nagsusulat na siya.

Pinalipad na niya ito patungo saakin.

Pero biglang pumasok si Prof. kaya hindi ko na tuloy nabasa yung sinulat ni Bella.

"Prof.!" Tawag ni Andrei

"Yes, Mr. Lee?"

Ano ba yan. Masyadong formal si Prof. Pati pagsasalita niya formal.

"Si Allison Kim at si Bella Wang po ay nagpapalipad ng papel na eroplano."

Lumaki ang mata namin ni Bella. Masyadong mapapel to.

"Ms. Kim at Ms. Wang, totoo ba yon?"

"Uhm... uhm.." Hindi kami makasalita ni Bella.

"Nasaan yung eroplano? Patingin."

"Uhm, wala na po. Naitapon ko na po sa basurahan." Sagot ko kay Prof.

"Sigurado ka?"

"Opo."

Ang totoo, nasa bag ko lang yung eroplano. Buti di nakita ni Andrei na nasa bag ko lang.

"Anyways, magsimula na tayo." Sabi ni Prof.

Inirapan ako ni Andrei.

May binulong siya saakin.

"sinungaling ka."

Grabe ah. Hiyang-hiya naman ako sa kanya. Siya nga epal eh.

"Mr. Lee, ikaw yata ang nagmimisbehave dito sa klase. Pinagbibintangan mo pa yung iba."

"Uhm, Prof., hindi po. Totoo po yung sinabi ko."

Hindi nakinig si Prof. sa kanya. Basta naglelesson na siya.

Buti nga, nakarma si epal. MWAHHAHAHAHAAHHAAHAHAHAHAHAHAHAH.

————— • —————

yan, buti nga. ayaw mo kasi umayos andrei eh. tuloy, na karma ka. bleh. :p

𝐜𝐫𝐮𝐬𝐡 𝐬𝐭𝐫𝐮𝐠𝐠𝐥𝐞𝐬 ➴ taennieWhere stories live. Discover now