39

370 24 0
                                    

~ Andrei ~

[location - kyung hee university]

Nung nakita ko si Cassie, nilapitan ko siya.

"Cassie."

"Bakit?"

"Eto o."

"Huh? Bakit mo ibabalik saakin yan?"

"Sorry pero, may ganyan na kasi akong damit."

"Edi, gawin mong pambahay. Tapos yung isa pangalis. Diba?"

"Cassie, please."

"Eh sayo naman na yan eh. Edi kung ayaw mo, itapon mo. Or ibigay mo din sa iba. Please, wag mo lang ibalik saakin. Para sayo talaga yan."

"Cassie, I know. Pero, sorry to say this pero hindi ko ito kailangan."

Medyo naluha siya.

Kinuha niya saakin yung paper bag.

"Sige, kung yun naman pala ang gusto mo."

Tinalikuran niya ako at umalis.

Naalala ko si Allison. Kung ako nakapag paiyak sa kanya, siguro hinabol ko pa siya. Pero bakit ganon? Diba dapat ganon ang gawin ko kay Cassie at hindi kay Allison?

Naglakad nalang ako papunta sa klase. Nakasalubong ko si Allison.

Our eyes met at each other.

Hininto niya ang pagtingin saakin. At hindi ako pinansin. Lumakad siya without looking back.

Pero expected ko naman yon. Deserve ko naman yon eh. Pero kahit maging friends man lang kami okay na yon.

Pero bakit, anong nangyari saakin? Hindi ako makagalaw. I'm frozen in the middle of the hallway.

Sumalubong saakin si Mark.

"Huy, anong iniisip mo?" Tanong ni Mark.

Hindi ko siya masagot. Hindi ko mabukas ang bibig ko.

"Huy."

Just then, naiblink ko na yung mata ko.

"Wala, okay lang ako." Sagot ko bigla.

"Okay ka naman pala eh, tara punta na tayo sa klase."

I just nodded at lumakad kasabay si Mark. Nagtaka ako kung bakit wala si Coby pero hindi na din ako nagtanong. Nanahimik lang ako.

———— • ————

happy birthday jendeukie!✨

𝐜𝐫𝐮𝐬𝐡 𝐬𝐭𝐫𝐮𝐠𝐠𝐥𝐞𝐬 ➴ taennieWhere stories live. Discover now