29

366 24 1
                                    

~ Alyssa ~

5:20 pm

"Malapit na yung sunset! Intayin niyo!" Sigaw ko doon sa dalawa.

"Oo nga, nagiging pink na yung sky!" Sigaw ni Allison.

Ngumiti lang si Bella. Napapansin ko... parang ang lungkot niya. Parang masyadong tahimik siya eh.

"Uy, Bella."

"Bakit?"

"Parang ang tamlay mo?"

"May iniisip lang ako pero okay lang ako."

"Share mo naman!"

"Noooo."

"Bad."

Sunset na. Ang ganda namannn. Kasing ganda ko.

"Uy ang ganda noh? Parang ako!" Sigaw ko.

"Hindi, parang ako!" Sagot ni Allison.

Nagtawanan kami.

Nagswimming ako at nakita ako ni Coby.

"Oy." Tawag niya.

"Hmm?"

"Marunong ka mag floating?"

"Hindi."

"Turuan kita."

"Wow nagmaganda."

"Dali na."

"Oh, pano?"

"Humiga ka."

"HUH?"

"Humiga ka lang diyan."

"Paano?"

"BASTA HUMIGA KA."

"Lulubog lang ako."

"Hindi mo malalaman kung hindi mo itatry."

Inirapan ko siya.

"Aalalayan kita."

Tumingin lang ako sa kanya.

"Go na."

Tumingin muna ako sa tubig at humiga.

Nararamdaman ko yung kamay ni Coby.

"Bibitiwan ko na ha?"

"Sige."

Binitawan niya ko. Lumubog ako ng konti.

Tumayo na ko.

"Hindi gumana."

"Bubuhatin nalang kita."

"Teka, ano?!"

Binuhat niya ako. Kahit kami na nakakahiya pa rin. Nakakailang siyang tignan.

Binitawan niya ulit ako. Lumubog ulit ako.

"Hindi pa rin."

"Basta... practicin mo muna."

"Sige."

Umalis na siya at pumunta doon sa dalawang gwepo.

Lumingon ako at napansin ko na tumatawa at nakatingin si Bella at Alli saakin.

Gumawa ako ng mukha na naaasar at kinikilig. Buset.

————— • —————

based on my experience. yes... ginawa nya yon. homaygahd.

𝐜𝐫𝐮𝐬𝐡 𝐬𝐭𝐫𝐮𝐠𝐠𝐥𝐞𝐬 ➴ taennieWhere stories live. Discover now