17

475 26 0
                                    

~ Alyssa ~

"Tignan mo si Cassie, o!" Utos saakin ni Bella.

"Luh, epal." Sagot ko

"Kung eepal lang sa eksena si Cassie, bale wala lang yung ginawa nating plano para kay Alli at Drei."

"Oo nga eh. Malinaw naman na kay Alli nanghihiram ng ballpen si Drei, hindi kay Cas."

Tumingin si Bella sa likod niya.

"LYSSA!"

"Anooo?!"

"Tumingin ka sa likod mo!"

Tumingin ako sa likod ko.

Si Coby, nakatingin saakin. Hindi lang nakatingin, nakangiti pa. Nakangiti habang nakatingin saakin. Shet, nakakainlab. Bakit ba siya tumitingin ng ganyan? Ang pogiiii. Saakin ba talaga siya nakatingin? Just then, narealize ko na ang tagal ko nang nakatitig sa kanya. Parang halata na na crush ko siya. Omg.

"O? Bakit ka nakatingin saakin ng ganyan?" Tanong ko kay Coby.

"Ikaw din ba? Bakit nakatingin ka din saakin ng ganyan?" Sagot niya habang ganon parin ang ngiti niya saakin.

Oh, ganon din ba ang pagtitig ko sa kanya kanina?

"Nagbibiro ka pa eh! Bakit nga?!"

"Ang ganda mo kasi ngayon."

Ow shet. Nakakainlove kapag ganon magsalita ang isang lalaki.

"Hoy Coby. Pnp?" Sabat ni Mark.

"Anong PNP?"

"Patay na patay kay Lyssa?"

Napatawa ako sa sinabi ni Mark. Hindi lang ako nagpahalata.

"Luh, baliw ka?"

"Eh ikaw, buhay ka pa?"

"Syempre naman."

"Guys, ang ingay niyo." Sabi namin ni Bella.

"Ang cute nila." Bulong saakin ni Bella.

"Oo nga eh." Bulong ko pabalik.

"Ang swerte mo naman. Sana ganyan si Markie ko sakin."

"Hayaan mo, pag tapos na tayo kay Alli at Drei, kami na ni Alli ang bahala sa inyo ni Markie mo."

Napatawa siya.

"Teka, biro ba yon? Seryoso ako sa sinabi ko ah!"

"Siguraduhin mo lang!"

Napatawa kami pareho.

———— • ————

based on my experience pt 2. ;))

𝐜𝐫𝐮𝐬𝐡 𝐬𝐭𝐫𝐮𝐠𝐠𝐥𝐞𝐬 ➴ taennieDonde viven las historias. Descúbrelo ahora