21

465 31 0
                                    

~ Allison ~

After class, hinatak kami ni Alyssa ni Bella papuntang restroom.

"Huy Bella, anong meron sayo?" Tanong ko kay Bella.

"Ano pa ba? Buhay, bahay, damit, utak, puso, buho—"

"Wag ka ngang mamilosopo! Baliw ka din eh." Sabi ni Alyssa kay Bella.

"Bakit ngaaa?" Tanong ko.

"Alam na kasi ata ni Mark na... crush ko siya."

"Huhhh?!" Gulat na gulat kaming napatanong ni Alyssa.

"Bakittt?"

"Eh kasi, kumakanta ako."

"Eh ano naman kung kumakanta ka? Paano nila masasabi na gusto mo si Mark?!"

"Ganto kasi yung kanta ko... Ehem, ehem. Markie, Markie, ang cute cute mo~ Markie, Markie, akin ka lang~"

"Ew." Diring diri ako sa pagkanta niya.

"Narinig ako ni Cobyyyy!"

"COBY KOOOO!" Sabat ni Alyssa.

"Huy, mukha kang Coby." Ang sabi ko habang pinipigilan si Alyssa.

"Tignan mo nga diyan sa bintana kung andyan pa yung tatlong gwepo!" Utos saakin ni Bella.

Tumungtong ako sa toilet at sumilip sa labas. Nakita ko yung tatlong gwepo naguusap-usap.

Nakita ako ni Coby.

"Uy Drei, si Alli oh!" Turo saakin ni Coby.

Tumingin si Andrei saakin.

"Oy, naninilip ka ah!" Sigaw saakin ni Andrei.

"Uhm, hellooo! Ikaw kaya dapat yung mapagsabihan na naninilip eh!" Sagot ko.

"PaNo mO NaSaBiIiIiii?!~"

"Kasi ikaw yung nasa labas ng restroom, sira!"

"Teka, pano ka ba nakaakyat diyan?"

"Tumungtong ako dito sa toilet."

Tumalon siya, inaabot yung bintanang maliit.

"Ang taas naman."

"Baka naman kasi ang liit mo!"

"Oy, hindi ah!"

"Oo kayaaa!"

"Hindi. Ako. Maliit!"

"PANO MO NASABI, BLEH!"

"Nagsalita ako."

"Baliw!"

"Gusto mong patunayan ko sayo na matangkad ako?"

"Sige lang, mangarap ka!"

Tumalon siya, naabot niya nga yung bintana.

"O, ano?!"

"Psh, may upuan lang yan eh!"

"Wala ah!"

Tapos, narealize namin, ang lapit nanaman ng mukha namin sa isa't isa. Yung parang ganun nanaman kalapit tulad nung nasa clinic kami. Yung parang konti nalang magkakauntugan na kami. Omg.

Ang tahimik namin nung narealize namin yon.

"Hoy Alli, ang tagal mo naman makipagchikahan diyan sa bintana! Si Andrei yan noh?!" Sigaw ni Alyssa.

Bumaba agad ako kahit nakasilip parin si Andrei sa mataas, na maliit na bintana.

"Hoy Alyssa, wag ka ngang maingay!" Pasigaw kong bulong kay Alyssa.

Nagsitawanan yung dalawa.

"Ano baaa? Ang sweet kaya!" Natatawang asar ni Bella.

Napaalis na tuloy ako sa restroom. Kahit tinatawag nila ako, hindi na ako lumingon para makinig sa kanila.


————— • —————

yah, based on my experience. ew. tanong niyo pa kay bella. kung malalaman niyo kung sino si bellaaa!

𝐜𝐫𝐮𝐬𝐡 𝐬𝐭𝐫𝐮𝐠𝐠𝐥𝐞𝐬 ➴ taennieWhere stories live. Discover now