8

603 32 3
                                    

~ Andrei ~

Nagsimula na ulit yung klase. Nakita ko sila Allison na papasok sa classroom. Meron pang natitirang upuan sa tabi nung kay Mark, kay Coby, at pati saakin.

Si Belle (ay, Bella ata hindi Belle. basta!) ay umupo sa tabi ni Mark. Si Alyssa ay umupo sa tabi ni Coby. At syempre, si Allison ay umupo sa tabi ko.

"Oh, coincidence?" Sabi ni Allison saakin.

"I don't think so." Sagot ko.

"What?"

"Lagi ka nalang umuupo sa tabi ko."

"CoInCiDeNcE nga diba? Yung mga "priends" ko nga eh, gustong-gusto tumabi doon kay Mark at Coby."

"Eh ikaw, gusto mong tumabi saakin."

"Ehem, ehem." Ubo niya.
"Hindi kaya!"

Umupo na siya.

"Nga pala thanks kanina."

"Ah, wala yon."

"Actually, nagtataka pa rin ako, bakit mo ba yon ginawa? Sabi mo kung ibang tao yon pipigilan mo parin si Cassie. Pero pag kagalit mo ang sasaktan ni Cassie, hahayaan mo lang... Eh diba kagalit mo ko? Bakit?"

Hindi ako nakasagot sa tanong ni Allison. Anong sasabihin ko?

"Bakit mo natanong?"

"Curious lang, heheh."

"Hindi ko rin alam, heh."

"Huh?"

"Ah, wala."

"Sorry, nabunggo kita sa hallway kanina."

"Ako ata dapat magsorry. Pero okay lang."

Nagsimula na siyang kumuha ng notebook at ballpen sa bag niya.

"Sorry, din sa eroplano at sa pagsabing sinungaling ka."

Tinignan niya lang ako. Awkward ba nung sinabi ko?

"Ha, okay lang."

Ngumiti na lang ako.

Ang ganda pala niya. Bakit ngayon ko lang nalaman. Nung una, crush ko si Cassie, tapos ngayon parang... si... Allison crush ko? Ewan ko. Basta!

𝐜𝐫𝐮𝐬𝐡 𝐬𝐭𝐫𝐮𝐠𝐠𝐥𝐞𝐬 ➴ taennieWhere stories live. Discover now