CHAPTER 1

332 85 36
                                    

__👑__

| It’s Only Me |

Gaea Evergreen

I looked on my shoes while my gazes were intently planted on the ground. Kahit na ako’y nakayuko ay pansin na pansin ko parin ang mga kakaibang tingin ng mga studyante. Hindi naman sa sobrang ganda nila, talagang minamaliit lang nila ako. Who knows? Ako lang naman ang pobreng babaeng nag- aaral sa paaralang itinayo para sa mga dugong- maharlika na kung saan dito ako nawala.

Kahit na sobrang lambot ng aking mga tuhod ay nakayanan ko parin itong ihakbang at hindi inalintana ang mga studyanteng nakatitig ngayon saakin. Isang taon nalang naman at makakapagtapos na ako ng sekundaryo, dito sa paaralang napapalibutan ng apoy at demonyo. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makalagpas ako sa mga taong iyon, buti na lamang at walang pesteng humarang- harang sa aking sa daan na kakambal ni satanas.

Pinihit ko ang pintuan ng silid at ako’y kaagad na pumasok. Hindi pa pala tapos ang kalbaryo ko dahil sa mga classmates ko na kung makatingin ay manginginig ka talaga dahil sa sama ng kanilang mukha. Nakatungong tumungo ako sa aking upuan at hindi ko maiwasang hindi mapahinga ng malalim ng makitang may mga bulate at maduming putik sa aking upuan. Napairap na lamang ako sa hangin ng marinig ang kanilang nakakarinding mga tawanan.

"She deserves it, she's a trash."

"Haha! Kamukha nya! Hampas- lupa."

"Dyan sya nababagay sa putikan, tutal para syang baboy dahil sa kahirapan."

"She doesn’t belong here, an eyesore."

Yeah.

They always threw bad and toxic impressions about me, but I don’t have time to tolerate every words they say. Dahil ‘yan lang naman ang palagi nilang ipinapamukha saakin, pero sino pa ba ang hindi masasanay diba? Kung tatlong taon ka ba naman nilang inaalila at pinapadinggan.

Binuksan ko ang bintana sa aming silid na kung saan mo makikita ang likuran ng gusaling ito. Wala naman sigurong tao sa ibaba ano? Kahit na walang kasiguraduhan ay agad- agad kong inihulog ang putik at bulate sa bintana. Pinagpag ko ang putik sa aking kamay ng masiguradong walang nahulugan ng ganon’!

“Fvck!”

Ngunit natigilan ako sa pag-pagpag ng aking kamay. At hindi ko ring maiwasang mapalunok at maging isang statwa ng makarinig ng mura na sigurado akong galing sa ibaba ng building. Paktay! May tao sa ibaba! Walang silip- silip ay ako’y tila isang tuod na bumalik sa aking upuan na tila wala akong ginawang kasalanan. Inosente ho ako!

Di- kalaunan ay pumasok narin ang aming Professor sa science, Mrs. Thiffany. Umupo ako ng maayos at tumingin sa harapan. Ako kasi ang pinakalikod, only me walang katabi, walang kachismisan. “Okay class, open your books and proceed to page 890.” Seryoso nitong wika, kaya kinuha ko ang librong singkapal ng mga mukha ng classmates ko at binuklat ito sa nasabing pahina. Kapansin- pansin na tila masama ang timpla ng mukha ng aming prof habang nakatingin siya saaming lahat, and then I realized everyone doesn't have any books, so again, it’s only me.

‘Flowers? Hmm.. Nice topic.’ – Saad ko sa aking isipan habang nakatingin sa libro. Sa pagkakatanda ko, may mga alam naman ako sa mga ordinaryong halaman, pero k’unti lang.

She cleared her throat before looking on my direction. “Ms. Evergreen! Please read the definition of the Juliet Rose, because the other students are irresponsible.” Talagang idiniin nya ang huling salitang kanyang binitawan habang ang mukha niyo ay talagang inilibot nya sa buong silid, para malaman nilang sila ang kanyang tinutukoy.

FAIRYTALE ✔️: | ONCE UPON A FLOWER THIEF | (THIEF SERIES #1)Место, где живут истории. Откройте их для себя