CHAPTER 19

115 68 13
                                    

__👑__

'Complicated'

Gaea Evergreen

Ang hirap talagang mabuhay kong sarili mong buhay ang pumapatay saiyo. Parang ngayon hindi matahimik tahimik ang isipan ko sa pag- iisip kung sino ba talaga ang may kasalanan sa nangyari nung gabing iyon.

Atsaka palaisipan parin saakin ang sinabi ng prinsepe. Posible kayang may kasalanan rin ang magulang ko?

Ilang araw na rin ang lumipas, at naging manhid narin kami sa isa't isa marahil sa natuklasan namin. Hindi ko na nga rin alam kung anong sumunod na nangyari matapos ang usapan naming iyon. Tsk.

"Baby!" Narinig kong sigaw ni Chisse.

Hindi ko na lamang pinansin ang nakaka- iritang endearment niya saakin at ipinagpatuloy ang pagmuni- muni sa kumikinang na lawa. "Uy! Nagtatampo ako! Ba't di mo ko pinapansin?" Tinapunan ko siya ng tingin, at ang mukong kung makalabi naman parang bata.

"Kailangan ba? Ay! Nako ka chisse! Kung gusto mo ng makakausap du'n ka sa mga chismosa't chismoso makipag- kwentuhan. Hindi sa akin! Baka masapak kita." Naiinis kong mungkahi.

"May problema ka ba, baby?"

"Nang- iinis ka ha?! Tsaka tigil- tigilan mo nga ako sa pagtawag ng baby! Naririndi ako, okay?!" Patayong bulyaw ko kaya ito'y napangiting- aso.

"Sige na nga izi- zipper ko na ang bibig ng baby mo." Pagsusuko nito habang itinutulak pa ako pabalik sa pagkaka- upo. "Hindi ka baby! Bondying ka." Dahilan para siya'y mapangiwi.

"Hutek.. ang ganda ng endearment ko sakaniya pero ga- ganituhin niya lang ako? Huhu.." Nakatigilid ulo niyang bulong.

"Anong binubulong- bulong mo dyan?" kunwaring di ko narinig ang sinabi niya.

"Wala! Sabi ko bakit ang sungit mo noh? May PMS ka?"

"Kapag masungit na PMS agad ang dahilan? Hindi ba pwedeng marami lang problema?" Hindi ko alam kung bakit ko ine- entertain ngayon ang lalaking ito. Siguro maganda rin yung may kinakausap.

"Luh? Marami kang problema, baby? Sabihin mo sa'kin para makatulong ako." Nakahalumbaba niyang wika. Napatawa ako ng mahina dahil sa kalukuhang naiisip ko.

Mabiro nga.

"Sabihin mo kay Prinsepe na tangina siya." Hagikgik ko. Pero ako'y nagulat ng bigla na lamang siyang mawala sa tabi ko, at pansing kumakaripas na siya ng takbo papunta sa building.

"HOY! BIRO KO LAMANG YON!"

Nadali na! Shittt!

__👑__

Chisse's POV

Hayst! Nasa'n na kaya yung si Kuya Theseus! Tsk.

Kung 'di lang ito magpapagaan sa loob ni Baby ay hindi ko ito gagawin. Ayaw ko kayang maghanap ng nawawalang tao, gusto ko ako yung hinahanap. Hihi.

Ako'y kaagad na napangiti ng makita siya na pinagpye- pyestahan ng mga kababaihan sa hallway. Lakas talaga ng kamandag niya. Hindi na ako nagsayang ng oras at kaagad na kumaripas ng takbo papunta sa kaniyang pwesto. Putek! Nakakahingal naman 'tong ginagawa ko.

Yie! 'Yaan na, hot naman ako pagpinagpawisan.

"Uy! Kuya Theseus!" Malakas kong sigaw ng mapansin kong tatalikod na ito. Ay nako! Hirap namang mag- habol!

FAIRYTALE ✔️: | ONCE UPON A FLOWER THIEF | (THIEF SERIES #1)Where stories live. Discover now