CHAPTER 6

148 81 16
                                    

__👑__

‘Creeps’

Gaea Evergreen

Patingin- tingin lang ako sa paligid habang nakabuntot kay Madame S, na nasa aking harapan kasama ang ibang mga royalties, at dahil hindi kami royalties ni Yttrio, kaya sya ang katabi ko sa paglalakad. “Alam mo ba..”

“Huwag ka ng magsalita, ayokong makinig sa demonyo.” Putol ko sa ano mang sasabihin nya. Baka, makipag- away na naman sya e’ sa wala akong panahon sa gano’n kasi traumatized pa ako hanggang ngayon.

“May narinig akong sigaw kagabi.. boses babae, narinig mo iyon?” Pilit nitong saad. Namutla naman ako sa kahihiyan ng mapagtanto ang ibig nitong sabihin. Bwisit talaga! Hindi na lamang ako umimik, at baka mabuko pa ako kapag nakipag- usap ako sakanya.

“Hoy!”

“Shit!” Sigaw kong mura, pero kaagad rin akong napatakip ng bunganga nang mapalakas ang sigaw ko, dahilan para tignan ako ng mga royalties. “Pardon me.” Paumanhin ko habang naka- peace sign pero inirapan lang nila ako. Huta! Tinignan ko naman ng masama si Yttrio habang hindi maipinta ang aking mukha dahil sa galit.

“Kung saan- saan kasi napapadpad yang utak mo yan tuloy. Wait! Wala ka nga palang utak.” Pang- iinsulto nya habang nakangisi.

I glared at him, “Atleast utak lang ang wala ako. Ikaw? Wala kang puso’t kaluluwa.” Madiin kong saad sa harapan ng kanyang pagmumukha, kaso naka- tiptoe ako, sobrang tangkad nya kasi na hanggang balikat nya lang ako. Napansin ko naman ang paglalim ng kanyang mga mata, kasabay nito ang pag- iwas nya ng tingin at ang bigla- biglaan nitong pagtahimik. Napalunok ako ng laway, dahil sa tila ako’y nakonsensya sa aking sinabi.

“Uhm.. s- orry.” Mahinang paumanhin ko habang nakayuko. Mahabang katahimikan naman ang namayani sa aming pagitan, at kinain narin ako ng konsensya. Ni hindi man lang kasi sya nagsasalita, kung di lang gumagalaw yung dibdib nya, iisipin kong hindi na rin sya humihinga.

“I..”

Magsasalita na sana ako, pero ito’y kaagad na naputol nang bigla na lamang syang lumihis ng daan, patungo sa kung saan. Nakatitig lamang ako sa rota kung saan sya nag- tungo hanggang sa mawala na ang kanyang anino. Napahinga ako ng malalim bago sumabay ulit sa paglalakad.

Hours had passed and he’s still missing in action, at kanina pa ako nakatunganga sa napakalaking ilog. Habang ang mga royalties ay nasa loob ng bahay, malapit sa ilog, na kung saan ay pag- aari rin ni Senior Primero. I sighed deeply, at ibinato sa ilog ang nilalaro kong bato.

‘Mali ba yung nasabi ko sakanya? Insulto nga iyon, pero sya naman ang nauna, diba? And now it’s like my fault. Kasalanan ko ba talaga? Masyado ba akong nanghimasok sa buhay nya? Argh!’

“Fuck this guilt!” I cursed myself. Ang hirap talagang magkaroon ng konsensya, kahit gusto mong mawala, hahanapin ka parin! Im not prone on that trashy words na nasabi ko sakanya kanina, pero napasama lang ako sa kainisan sakanya.

“It’s ugly to a girl to cursed like that.”

Napatingin naman ako sa aking gilid, at ako’y kaagad na napayuko ng makita si Madame S na nakatayo mula rito. “Pasensya, Madame Superior..” I apologized, as I looked away.

“Is there something bothering you?” Tanong nito, pero dahil sa lumaki akong walang nasasandalan, I shooked my head on her.

“Hm, It’s all about Ytrrio, right?” Hindi ako nakaimik at patuloy lang sa pagmasid sa tubig. “I heard what you said to him.” Saad nya at umupo sa aking tabi, dahilan para ako’y mapalunok ng laway bago ko ibaling sakanya ang aking tingin. “Mali ho ba yung nasabi ko sakanya?”

FAIRYTALE ✔️: | ONCE UPON A FLOWER THIEF | (THIEF SERIES #1)Where stories live. Discover now