CHAPTER 13

127 72 16
                                    

__👑__

The Secret Room

Gaea Evergreen


Nakamanman ako hanggang ngayon sa mga royal highnesses habang sila’y kumakain sa hardin. Sa dalawang araw na pagmanman ko sakanila ay wala akong makitang kakaiba sa mga galaw nila.

Napakuyom ako ng kamao dahil sa kaisipang wala talaga silang paki- alam sa mga magulang ko. Kung hindi dahil sakanila hindi mamatay ang mga magulang ko, at kung hindi dahil sa kanila hindi ako mababaliw sa kakaisip kung sino sa pestang yan ang pumatay sakanila.

“Uy! What are you upto? You’re like a scary ghost, couldn't blink twice.” Napabaling ako sa taong nagsalita sa aking gilid, at nakita roon si Yttrio habang naka-pamaywang. “Wala ka na do’n.” Saad ko at ibinaling sa harapan ang aking paningin.

“Akala ko herbalist ka lang, hindi ko alam na secret agent ka pala.” Nai- urong ko ang aking pisngi sakaniya nang bigla niyang ilapit patagilid ang kaniyang mukha na tila sinusuri rin kung saan ako nakatingin kanina.

“Ano ba kasing kailangan mo?” Inip na inip kong turan, alam ko namang lalapit lang siya kapag may kailangan o gusto niyang sabihin saakin.

“May gustong sabihin saiyo si Madame Superior, meet her at 3 sharp in the afternoon.” Mahinang saad niya habang nakatingin parin sa mga taong aking minamanmanan.

“’Di ka pa ba aalis?” Nakataas kilay na tanong ko sakanya dahilan para ito’y mapasulyap saakin.

“Yang mukha mo nga! Ilayo mo saakin!” Apela ko kasabay ng paglamukos ko sa mukha niya papaalis sa harapan ko. “Aray naman!” Daing nito bago hawakan ang mukha niyang nilamukos ko.

“Pusa ka ba? Ang tutulis ng mga kuko mo.”

“E, ano naman saiyo? Tsaka ano pa bang ginagawa mo rito?”

“Kain tayo, nagugutom na ako.”

“Ay nako! Kumain ka mag- isa mo.” Atungal ko.

“Sige na! Ako ang magluluto!” Saad niya sabay yapos sa aking mga braso na tila isang batang nagmamakaawa. Napa- irap ako pero di kala- unan ay tumango rin, “Oh siya! Sige na nga.” Payag ko.

“Wala ako mga sangkap ah.” Untag ko nang kami’y makapasok sa loob ng bahay. “Paano naman kayo nakakapagluto pag- ganon?”

“Si Abnoy kasi ang nagdadala ng mga sangkap rito na galing sa palasyo.” Nakakibit- balikat kong saad, habang siya’y aking pinapanuod na magtingin- tingin sa kusina.

“Then do what she do, go to the castle.” Utos nito na nakapagpaawang sa bibig ko. “Ako ba’y inuutusan mo?” Di makapaniwalang tanong ko sakaniya. Ang lakas lang kasi ng apog ng nahanginang utak niya.

“Malamang.”

“Argh!” Yamot na yamot kong atungal, kasunod nito ang marahas kong pagbukas sa pintuan, kasabay rin nito ang paghagikgik niya. “Don’t laugh!” Bago marahas na ibinalibag ang pintuan.

Para tuloy akong isang kawal dahil sa matataas at mabibigat kong hatak sa aking paa, patungo sa palasyo. Nakakairita lang talaga yung ugali nu’ng kawal na iyon. Gwapo nga, kakabanas naman makita.

Nang ako’y makarating sa pintuan sa likuran ng palasyo ay kaagad ko itong pinihit. At nang mapansin hindi ito nakasarado ay kaagad akong pumasok sa loob ng dahan- dahan.

Nang makitang walang katao- tao sa kusina ay kaagad kong isinara ang pintuan at ginawa ang pinag- uutos ng mahangin na demonyong iyon.

“Hmm, hmm.” I hummed, as I pick everything I liked and put it on the plastic. Wala, nakita ko lang itong plastic sa ibabaw ng lamesa kaya kinuha ko. Humablot muna ako ng isang mansanas at ito’y kaagad kong isinubo sa aking bibig, bago ako nagpatuloy sa pagpupuslit ng mga pagkain.

FAIRYTALE ✔️: | ONCE UPON A FLOWER THIEF | (THIEF SERIES #1)Where stories live. Discover now