CHAPTER 8

141 76 20
                                    

__👑__

‘The Baddest Luck’

Gaea Evergreen

Naging maayos naman ang naging takbo ng buhay ko sa paaralang ito. Maliban sa nabubully ako araw- araw, ay palagi ring may kakaibang pasabog ang mga studyante na pinapangunahan ng hinayupak na Prinsepe.

Matapos ang araw na nasabihan ko siya ng ganoong lintanya ay mas lalong lumuwag ang turnilyo ng kaniyang utak. Naka- inis.

“Psst.” Napalingon ako sa bintana na ngayon ay malapit lang sa aking pwesto, at hindi ko maiwasang mapairap at mapausal sa inis.

‘Ano na naman bang kailangan ng Prinsepeng ito? Can’t he just leave me alone, for just one fvckin’ day!?’

Hindi ko na lamang siya pinansin at ibinaling sa librong aking binabasa ang aking atensyon. Nandito ako ngayon sa silid- aklatan, dahil sa bakanteng oras ko ito, gayundin ang prinsepe. “Uy!” Malakas nitong tawag saakin, pero ako’y tumalikod lang sakaniya at hindi siya pinansin. Baka kung ano na namang pakulo niya.

“Don’t move, Im balancing here!”

“Sorry ho, Prinsepe!” Paumanhin ng ilang boses.

Napairap ako sa hangin nang marinig ang mga hinanakit ng mga studyanteng nakasabwatan ng sakit sa ulong prinsepeng ito. Wala naman akong pake- alam sa mga studyante eh, kasalanan ko ba kung nahulog sila sa pesteng karisma ng prinsepeng ito. Kaya ayan, hahayaan ko silang magdusa.

“Flower for you.” Napabaling ako ng tingin sa aking lamesa nang may inihagis ang prinsepe rito. At doon ko nakita ang isang napakapulang rosas, na hindi ko alam kung saan niya napitas.

Hinawakan ko ito at kaagad na bumaling sa kaniyang direksyon. Napansin ko ang pag- ngiti nito nang ako’y lumapit sa kaniyang pwesto. Humila ako ng isang kahon sa aking gilid at ako’y kaagad na umapak rito dahilan para pumamtay ang aming katawan sa isa’t isa.

“Ang ganda ah,” I sniggered.

Pwe!

Tumalsik kaagad sa kisame ang isa kong kilay nang ito’y ngumiti. “Flower mo, mukha mo!” Saad ko at siya’y marahan kong itinulak paatras. Dahilan para siya’y sumayaw sa hangin at mawalan ng balanse. Hindi ko maiwasang mapahalakhak sa saya nang sila’y matumba at bumagsak sa damuhan. Alam kong sobrang sakit non’ dahil sa mataas ang nakabagsakan nila.

“Hahaha!” Tawa ko na tila isang mangkukulam.

Dumungaw ako sa bintana at nakita ang limang mga kalalakihan at siya na nakahandusay sa damuhan. Itinapat ko ang rosas sa kaniyang katawan at isa- isang pinitas ang mga talulot nito, dahilan para ang mga ito ay sumayaw sa hangin at bumagsak sa kaniyang dibdib.

“Bleh!” I teased, blowing my cheeks whilst making weird faces as I make horns, using my hands.

Ini- apak ko ang isa kong paa papaalis sa kahon pero kaagad na nanlaki ang aking mga mata nang hangin lang ang naapakan ko, kasunod nito ang malakas na tunog ng pagkahulog. “Aray.” Daing ko habang nakahawak sa aking bewang nang mawalan ako ng balanse.

“Hutangina, Karma!”

Kagat labing lumakad ako sa pasilyo habang hindi pinapansin ang mga ipinupukol na tingin ng mga studyanye saakin. At isa pa, sobrang sakit ng balakang ko at ang isa kong paa. Napuruhan yata kanina.

‘Ang bilis ng karma! Urgh.’

Napatingin ako sa orasan sa pasilyo, nang marinig ang tunog ng kampanilya, hudyat na uwian na. Napangiti ako sa aking kaloob- looban dahil sa wakas, at matatapos narin ang araw na ito. Hinawakan ko ang railings ng may kataasang hagdan, na nagdurugtong sa unang palapag at ikalawang palapag ng mala- palasyong paaralan na ito.

FAIRYTALE ✔️: | ONCE UPON A FLOWER THIEF | (THIEF SERIES #1)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora