CHAPTER 26

104 64 10
                                    

__👑__

| Just like before |

Prince Theseus

Kung nakakamatay lang ang tingin, paniguradong kanina pa nakabulagta sa sahig 'tong Reein na ito. Makayapos ba naman sa Baby ko ay parang unggoy na iiwan ng kaniyang ina. Nasaan ba kasi 'yung nanay ng unggoy na ito? Tsk. Ang pangit na nga niya, nakakasira pa ng araw.

Oo, sabihan niyo ng nagseselos ako pero anong magagawa ko? I'm just paranoid, he might still Gaea from me. Para man akong bakla, wala kong pake. Hanggat hindi pa siya nahuhulog saakin, babakuran ko siya. Aba! Marami nang magnanakaw ngayong panahon natin.

“Hilig mo pala sa mga bata no?” Narinig kong tanong ni Baby kay unggoy. Tumaas ang isa kong kilay nang lumawak ang ngiti nito na tila ba nagpapacute kay Baby. Argh! Why is this shit torturing me?

“Oo naman,”

“Nyenyenye..” I silently mocked, and cross my arms. Ang sarap talagang tirisin ng pangit niyang pagmumukha! Para siyang hybrid ng isang unggoy at tarsier. Laki mata, at lamang lupa. Sige, lait pa. Kung di lang siya mukhang mayaman, baka mapagkamalan ko siyang— Okay, titigil na.

“Matagal na ba kayo rito?”

“Hindi pa. Ika- dalawang araw palang namin rito eh. Tsaka—”

“Baby, oo o hindi lang ang isagot mo.” Paguputol ko sa anumang sasabihin niya. Isang salita lang naman kasi ang isasagot, ba't kailangan pang- pahabain? Essay lang?

“Ahehe..” Kamot niya sa kaniyang ulo, pero kasunod din no'n ang pagsama ng tingin niya saakin. “Magtigil ka..” Banta niya gamit ang mapanindak nitong mga tingin.

“Baby? So may relasyon kayo?” Naguguluhang tanong niya habang nakangangang nakatingin saamin. “Wal—”

I cut her off.

“Meron. Bakit?” Kaagad kong sagot habang mataman siyang tinignan. Napatango- tango siya kasabay ng pag- ayos niya ng upo. “I see.”

“Anong pinagsasabi mo...?” Mahina at madiing bulong ni Baby saakin. “Nothing.” Nakangising sagot ko bago bumaling ulit sa lalaking nasa aking harapan.


Sana sa sinabi ko tantanan niya na si Baby sa pagpapacute. Nakakakilabot kaya siya. Kung wala lang siguro si Baby rito, baka nalamukos ko na 'yung mukha niya. I really hate this man, actually all the men thats surrounds her.


Ilang minuto ang lumipas at patuloy parin sila sa pag- uusap ng kung ano- ano. He didn't even mind what I said earlier. Duh? Ang landi ng lalaking 'to. Sana ako 'yung pinapansin ni Baby sa mga oras na ito at hindi ang lalaking linta na ito. 'Di niya ba alam ang privacy at trespassing?

He's a trespasser.

“So you're a herbalist?” Maya't maya'y tanong niya kay Baby. Talaga naman!

“Yeah..”

“You work?”

“Not anymore.”

“Why?” Nakakunot noong tanong nito.

“Wait.. wait! Why do you keep asking personal questions? Are you a reporter? A journalist?” Diretsahang sa ingles kong sabat. Nananakit kasi tenga ko sa boses niya.

“Its just minor questions.” Pagdadahilan niya habang nakangiwi. Nonsense alibi!

“Minor? Its a personal information. Personal.” Mariing pahayag ko. Paano niya nasasabing minor lang iyon eh, personal information iyon ni Baby. Baka ipagkalat niya pa sa kung sino- sinong gunggong.


FAIRYTALE ✔️: | ONCE UPON A FLOWER THIEF | (THIEF SERIES #1)Where stories live. Discover now