CHAPTER 18

114 70 13
                                    

__👑__

A Little Past

Gaea Evergreen’s POV

“Fixed it!” Masayang wika ni Prinsepe habang nakatingin sa lumang telebisyon na kaniyang inayos. “Jackpot na.” Lumulunok kong wika ng sumagi sa aking isipan ang napag- usapan namin. Tangina!

“Teka! Eh gumamit ka naman ng kapangyarihan mo eh!” Apela ko. Ba! Mahirap na baka kung ano pang ipagawa nitong hinayupak na ito. Kailangan kong isalba ang sarili ko.

“No, dear. I’ve actually used the thunder as electricity. And fixed some wires, though it’s not literally damaged. It’s just old.” Rason niya kaya wala na akong nagawa kundi mapa- irap sa inis.

“This place is great.” Komplemento niya habang pinapasadahan ng tingin ang buong paligid. We’re here at the basement, where old collections settled. Tsaka maganda rin rito dahil ito’y tahimik at payapa.

“Yeah.” It was always been the best place here in my house.

“Anyways, where’s the films?” Baling niya saakin kaya kaagad ko namang tinuro ang istante ng mga disko sa kaniyang likuran. “Pumili ka nalang ng pwedeng panuorin.” Wika ko.

“Atsaka, luma na rin ang mga yan.”

Tinaasan niya ako ng kilay bago nagsalita, “Isn’t it obvious?” I just shrugged. Tumalikod ako sakaniya at nagsimulang maglikot- likot ng mga gamit, na pag- aari ni tatay nung siya’y buhay pa lamang.

Pero hindi naiwasang mapako ang aking atensyon sa isang librong nakalagay sa ibabaw ng treasure chest ng ito’y mahagip ng aking paningin. Maliit lamang ito at parang journal book.

“Hey! The movie is on!” Pang- aagaw atensyon saakin ng Prinsepe. Kaya dali- dali akong nag- tungo sa sofang kina- uupuan niya ngayon. Umupo ako sa gilid nito at ipinukol ang aking paningin sa palabas.

Lumipas ang ilang sandali ay pakiramdam ko’y malalaglag na ang talukap ng aking mga mata dahil sa pagkayamot sa aming pinapanuod. Di naman kasi ako masyadong idolo ng mga ganitong palabas. “Haa!” Gitla ko ng bigla na lamang inihiga ni Prinsepe ang kaniyang ulo sa aking hita.

“Uy! Umayos ka nga!” Utos ko habang tinutulak ang kaniyang ulo, pero parang wala itong narinig at mas sumiksik pa siya. Tanginang pugong ’to!

“Nah!” Pagmamatigas nito.

“Alis sabi eh!”

“I don’t want to!”

“Alis na kasi!”

“No!”

“SABING ALIS EH!” Malakas kong sigaw at puwersahan siyang itinulak, ngunit ako’y napahawak sa aking bibig ng ito’y dumaosdos papahulog sa sofa.

Nayari na!

“Shit!” Mura nito habang nakadapa sa sahig. “Darn it, girl!” Galit nitong bigkas dahilan para takasan ako ng aking dugo. Jusmiyo.  Nanlamig rin ang buo kong sistema dahil sa naaamoy kong inis niya saakin. Di kaya patayin na ko nito?

“Ah, pase..nsya.” Na- uutal kong paumanhin habang pinagmamasadan siyang tumayo. “Di ko naman sinasadya, eh.”

“It’s obviously intentional.” Madiing turan niya bago ibaling saakin ang nakakakilabot nitong mga mata.

Tangina! Anong gagawin ko?

I gulped because of the way he stares at me. I didn’t even noticed that he’s already sitting next to me. I don’t know how he managed to do that without breaking our contact. Napausod ako ng dahan- dahan niyang ilapit ang kaniyang mukha saakin habang siya’y nakatitig sa aking mga mata.

FAIRYTALE ✔️: | ONCE UPON A FLOWER THIEF | (THIEF SERIES #1)Where stories live. Discover now