CHAPTER 29

112 64 6
                                    

__👑__

| SHATTERED |

Gaea Evergreen

Gabi na at ako na lang ang gising sa aming tatlo. Wala akong choice kung hindi ang matulog ulit rito sa kuwarto ni Ereon dahil daw baka balikan ako nu'ng mga kumidnap saakin, lalo pa't hindi pa sila nahuhuli.

Hindi ko alam na magiging ganito ang hamon ng buhay saakin. Parang kailan lang no'ng mga panahong hindi pa masyadong magulo ang buhay ko. 'Yung normal lang ang takbo kahit na paulit- ulit rin lang naman. Being bullied, finding cures, being a herbalist. And where does everything starts? When I stole flowers from their yard.

The time I met the prince is the time everything change. Hindi ko talaga akalain na isang tao ang makakapagpabago ng takbo ng buhay ko.

Mas lalong di ko inaasahang may mahuhulog na prinsepe saakin sa kabila ng itsura't pag-uugali ko. At kahit na sobra sobra ang sakit sa ulong problemang naidulot ko sakaniya ay pinilit niya akong intindihin. Tsaka 'di ko parin lubos akalain na nagpanggap siya para lang makalapit saakin ng malaya. Kahit na nagalit ako sakaniya ay di ko parin naman maiwasang kiligin. Minsan lang may gumawa ng ganuong bagay saakin.

Kaya pala medyo attached ako sakaniya noon kasi siya pala si Prinsepe.

Nahulog rin naman ako eh..

I don't know, but I can't still confess my feelings for him. Eventhough my heart's shouting it so badly and loudly. Kinokonsensya parin kasi ako dahil sa nagawa ko sa Hari. Tignan niyo? Natamaan parin pala ako ng konsensya, samantalang iyong ginantihan ko ang kapal ng mukha.

Napabaling ako sa gawi ng veranda ng umihip ng hangin mula rito. Tsk. 'Di pa pala naisasara. Maingat akong tumayo sa pagkaka- upo sa gilid ng kama at nagtungo rito. I was about to closed it, but as I saw the night sky I can't control myself from stepping out the room.

Maganda at sobrang payapa ng kalangitan dala narin ng kumikinang na mga bituin sa kalawakan. Tulad nito marami ang naghahangad na sana ganito rin kapayapa ang kanilang buhay, at isa na ako roon. But life is a weather. It change, you like it or not you must accept it. You can control your life but not your fate.

I closed my eyes and took a deep breath, before exhaling it. Ngunit ako'y nagitla nang bigla na lamang may babang dumantay saaking balikat. “Bakit 'di ka pa natutulog?” Paos niyang tanong.

Ang husky! Putik!

Pinipakilig mo ako ng sobra prinsepe.

“Wala may naiisip lang ako..” Mahinang sagot ko. 'Di ko alam pero naiilang ako sa posisyon namin ngayon, buti na lamang at hindi siya nakayakap saakin. Kaso conscious ako sa amoy ko eh, kahit na naligo naman ako. Hehe. Pagmahal mo talaga ang isang tao, maco- conscious ka nalang bigla sa sarili mo.

“Ano na naman? Pwedeng itigil mo muna iyan? You're always stressing yourself.” Payo niya kaya marahan akong napabuntong hininga. Paano ako titigil kung patuloy nalang bumabagabag sa aking isipan lahat ng problema ko?

“Huwag mo nalang akong paki-alaman. Makakaya ko naman ito eh.” Nakatungong pahayag ko na naging dahilan para siya'y mapatayo ng tuwid. “Hoy! Bitaw nga!” Gulat kong mungkahi nang bigla na lamang niyang ipulupot ang kaniyang braso sa aking bewang.

Putik! Ano ba 'to?

“Mangingi- alam ako sa buhay mo kahit na bawalan mo ako. Hinding hindi kita iiwan kahit na anong mangyari. I wouldn't promise, but I'll definitely do it. I will do anything just to protect you..” Tagos sa pusong mungkahi niya at hinigpitan ang pagkakayakap saakin.

FAIRYTALE ✔️: | ONCE UPON A FLOWER THIEF | (THIEF SERIES #1)Место, где живут истории. Откройте их для себя