CHAPTER 27

107 63 5
                                    

__👑__

| Kidnapped |

Prince Theseus

Being inlove is normal, being inlove is emotional. It keeps pounding and thumping fast, every seconds it keeps falling. Perhaps, some may define it as inspiration and also destruction but, no one can actually define what love really is. Its a vague. Why? Because we have different perceptions and opinions. But for me, love is a confusion.. literally. When you felt sparks, you got confused. When you heard singing angels, you got confused. When you felt butterflies on your stomach, you got confused.

Confusion strucks you when you're inlove.

I thought loving someone more than everything is called stupidity. But, It was true. I was stupid.

The first who fell is a loser? No. You only became a loser, when you gave up. Affection is a lesson, and not a game. It only becomes a game when you think it was. Nonetheless, love isn't playing, for how I remembered its just a feeling.

"Gaea? I made breakfast for you." Mungkahi ko sa pagitan ng pintuan habang nakadungaw ang aking ulo sa kaniya na ngayon ay nakahilata parin. "Umalis ka. Inaantok pa ako." Nakatalikod niyang utos kasabay ng pagtalukbong nito ng kumot. Marahan akong napabuntong- hininga dahil sa malamig nitong trato saakin.

Hindi na ako nagpumilit pa at baka'y lalo siyang mainis saakin at palayasin ako sakanilang bahay. Oo, nandito parin ako sa kanilang bahay buha't kahapon ng mangyari iyon. She didn't tried pushing me away. Naiisip ko tuloy na baka binibigyan niya ako ng second chance para makabawi sa atrasong nagawa ko. Kaya iyon ang ginagawa ko, pero ang hirap niyang suyuin.

Wala pa akong balak na bumalik sa palasyo dahil sa may kailangan pa akong gawin rito. Tsaka nandu'n naman si Superior pagnapag- alaman na wala ako. Si Chisse? Ayun pinagbakasyon ko muna.

Nang mapagpasyahan kong bumaba patungo sa kusina ay kaagad na bumungad saakin si Ereon habang siya'y kumakain sa counterpart. "Mister Prince? Hinila ba ni Ate iyang nguso mo at sumasayad na?" Narinig kong bungisngis ni Ereon, kaya napalingon ako sakaniya.

"Naiinis ka noh?"

"'Di ba halata?"

"Tsk. Alam mo, Mister Prince 'yang si Ate hindi siya madaling magpatawad, parang sa mga magulang mo. Muntik na niyang napatay, kaya ikaw kung ako saiyo magbabalot na ako ng mga gamit." Sumeryoso ang aking mga titig sakaniya dahil sa pagbabanta niya.

"Kahit bantaan mo ako, hindi ako aalis rito. Tsaka maatim niya bang mawalang ng gwapong prinsepe?" Pabirong wika ko. "Eww.." Nasusuka niyang akto kaya napatawa ako ng mahina.

"Maaatim niya, Mister Prince. Nandito naman ako eh."

"Yuck.." Asta ko rin na sinamahan pa ng malakas na tawa. "Huwag ka nga! Ang gwapo gwapo ko kaya! Tsaka kailangan mo ng ipaayos 'yang mata mo kasi parang may deperansya na. Nababaliktad na 'yang paningin mo."

"Oo nga eh, kasi di naman kagandahan 'yung Ate mo pero namalikmata yata ako.." Mahinang bulong ko pero sapat lang iyon para marinig niya. Napahagalpak siya ng tawa na kulang nalang ay mapaliyad siya sa kinauupuan niya.

"Ereon!" Napalingon kaming parehas sa taong bigla na lamang sumulpot sa aming gilid habang ito'y nakapamaywang. "Ate.." Medyo kinakabahang tawag nito.

"Huwag kang masyadong tumawa, pag ikaw nalagutan ng hininga. Ay sinasabi ko saiyong mapapatay ko 'yang nasa harapan mo ngayon." Banta nito dahilan para mapahagikgik ng ka- unti si Ereon kasabay nang pagbaling nito ng tingin saakin.

FAIRYTALE ✔️: | ONCE UPON A FLOWER THIEF | (THIEF SERIES #1)Where stories live. Discover now