CHAPTER 14

115 70 14
                                    

__👑__

‘Phenomenon’

Gaea Evergreen

I swallowed the pressure as I entered my feet inside the brown carpet. It’s a long aisle, made with bricks, like an old room, I guess. But a sudden boom- sound made me jumped in thunder struck. “Pwede bang mahinhin mong isara yang pintuan?” Inis kong baling sa aking likuran. Pero nanlaki ang aking mata ng mapagtanto kong nasarahan ako.

“Hala!” Naghuhumirintadong gulilat ko, habang nanlalaking matang nakatingin rito.

Pa’no ako makakalabas ngayon?

Bumaling ako sa harapan habang yakap yakap ang aking braso. This is it, then. Kahit na may pangamba sa aking dibdib ay lumakad parin ako sa mahabang pasilyo. Masasabi kong wala ng pumunta rito dahil sa mga malalaking sapot ng mga gagamba, at ang nakakabahing na alikabok na pumapalibot sa pasilyo. Pero buti na lamang at mayroon ang mga tanglaw na nagpapailaw sa buong kapaligiran.

Napakainit rin sa rito dahil sa walang hanging pumapasok sa loob. Pero hindi pa naman ito dahilan para mawalan ka ng hanging pwedeng langhapin. At kahit na wala akong suot na sapatos ay maririnig parin sa paligid ang mga yapak ng aking mga paa, marahil sa na abandona na ito kaya gano’n.

Tinanaw ko ang hangganan ng pasilyong ito at ako’y napangiti ng makakita ng isang pintuan rito. Mas binilisan ko ang aking lakad habang nakatanaw rito. Hindi ito ang inaasahan kong itsura ng magiging pintuan nito, pero aka nga nila, huwag natin itong husgahan dahil lang sa itsura nito.

Pinasadahan ko ng tingin ang  pintuan nang ako’y tuluyang tumapat rito, at ito’y gawa sa kahoy habang patulis ang taas nito. At wala itong hawakan, kaya ako’y napakunot ng noo.

“Pintuan ba ito? Ba’t walang busol?” Kakamot- kamot ulong mungkahi ko habang nakakunot noong nakatingin rito. Hindi ko na lamang iyon pinansin at ginawa ang naiisip kong paraan para ito’y mabuksan.

“One, two, three!” Sigaw ko kasabay nito ang pagtulak ko rito, gamit ng aking braso. Napapikit ako ng mariin ng maramdaman ang sakit sa aking braso. Pero ako’y napabaling sa pintuan nang marinig itong lumangitngit, at umawang ng kaunti.

“Door down!” Masayang wika ko.

Itinulak ko ito ng malakas pero ako’y napa- ubo nang sumalubong saaking mukha ang maalikabok na hangin. “Hell!” Iwinaling- waling ko ang aking ulo para mawala ang hanging sumalubong saaking mukha.

Nang umayos ang aking pag- hinga ay kaagad akong lumingon sa malaking silid. Kung gaano kaliit ang pintuan ganon naman ang ikinalaki ng silid.

Kinuha ko ang tanglaw sa gilid ng pintuan at kaagad akong pumasok sa loob. Hindi ko namang naiwasang mapatanga sa ganda ng silid kahit na maramig alikabok na nakadikit sa mga ito.

“Bakit nila inabandona ang mga magagandang kagamitang ito.” Saad ko habang hinahaplos ang mga makikinang na bagay sa taas ng isang lamesa.

Walang ibang nakikita ang aking mga mata kundi ang kinang ng mga ginto at kristal, at mga iba pang kagamitang gawa sa kahoy. Napalingon ako sa aking gilid pero ako’y napasigaw sa gulat nang makakita ng tao. “Sarili ko lang pala.” Muntangang mungkahi ko habang nakatingin sa pesteng salamin.

Pinasadahan ko ito ng aking mga mata hanggang sa umangat ang aking tingin, pero isang bagay ang nakapukaw sa aking atensyon. “Wooden wardrobe?” Nagtatakhang tanong ko sa aking sarili, habang nakatingin sa mataas at may kurbang aparador.

Inihawi ko ang salamin sa daraanan ko at kaagad na tumayo sa harapan ng aparador. Hinawakan ko naman ang hawakan nito at ito’y aking hinila dahilan para ito’y bumukas. Pero ako’y napangiwi sa aking nakita. “Walang laman?”

FAIRYTALE ✔️: | ONCE UPON A FLOWER THIEF | (THIEF SERIES #1)Where stories live. Discover now