CHAPTER 15

114 74 17
                                    

__👑__

‘Unexpected Truth’

Gaea Evergreen

Kumuha ako ng isang tungkos ng mga bulaklak bago ito ilagay sa likuran ng karwahe. Papasikat na ang araw pero nandito parin kami sa bayan, hindi kasi kami naka- byahe kahapon dahil sa aksidenteng nangyari kay Prinsepe. “Kakapagod.” Mahinang usal ko habang pinupunasan ang butil ng aking pawis na namuo sa aking noo.

Mabilis ako ngayong mapagod kasi nakulangan ako ng tulog kahapon dahil sa kinailangan kong bantayan ang Prinsepe.

Napatingin ako sa aking harapan at hindi ko maiwasang mapahinga ng malalim nang makita ang hindi pa nailalagay na mga bulaklak sa karwahe. Ang dami pa. “You seems so tired.” Napalingon ako sa taong nagsabi nu’n at nakita ang Prinsepe habang buhat buhat ang dalawang tungkos ng halaman.

“Medyo, pero huwag kang masyadong magpapagod, mabinat yang sugat mo sa braso.” Paalala ko sakaniya, ngunit ngumiti lang ito at tumango. “Aye aye, master!” Umiling na lamang ako at nagpatuloy sa pagbubuhat.

It’s gone..”

Napatigil ang aking sistema kasabay ng pagka- bitaw ko sa aking hawak na mga bulaklak dahil sa biglang may bumulong nu’n sa aking tenga, na nakapagpatigil sa akin at nakapagbigay ng kilabot sa aking katawan. Napatingin ako sa babaeng papalayo sa aking pwesto at hindi ko maiwasang magtaka.

Live..

What’s gone, Live?

Anong sinasabi niyang nawawala?

It? Ibig sabihin hindi tao kundi bagay.

Hanggang sa kami’y umalis sa bayan ay hindi parin mawala wala sa isip ko ang sinabi ni Live kanina. Something suspicious is happening while we’re here. At ano yung nawawala? I can’t understand that two fuckin’ words.

“Ikaw ba missy hyena? Talento mo bang huwag pumikit ng ilang oras?” Napakurap- kurap ako sa hangin nang bigla na lamang magtanong si Yttrio. At sabihin iyon.

“Hindi naman, eh ikaw talento mo bang hindi matulog ng ilang gabi?” balik asar ko pero hindi ito umimik o pinansin man lang ang tinanong ko kaya ako’y napakibot na lamang ng labi.

“Laki kasi ng eyebags tsk.”

“Makapanlait mas malaki kaya eyebags niya kaysa saakin.” Narinig ko bulong nito, pero alam ko namang sinandya nitong iparinig saakin para mainsulto ako, at mapaaway. Papansin rin eh.

At dahil sobrang bait ko,

“Ano naman saiyo? Mas bagay nga saakin kasi may kalakihan yung mata ko! Ikaw? Mas malaki pa eyebags mo kaysa yang mata mo!” Singhal ko sakaniya.

“Atleast, kaya kong pumikit, eh ikaw dilat na dilat na parang isang kuwago!” Hindi ko  maiwasang mapaawang ng labi dahil sa insultong sinabi nito.

“Ako? Ako isang kuwago?!”

“Oo, ano bang sinabi ko?”

Aba’t!

“Talaga naman.. Atleast, nakakakita ako ng maayos. Eh ikaw? Kakapiranggot lang ang nakikita ng mga singkit mong mga mata!”

“Kaso nga lang mukha ka paring kuwago! Haha!”

“Sa ganda kong ’to? Kuwago ako?!” Naiiritang bulyaw ko sakaniya, pero ako’y napangiwi nang bigla na lamang tumahimik ang buong paligid, pati narin ang kagubatan.

“Argh!” Naiinis kong dabog.

Porket hindi talaga ako maganda?! Hanep naman. Sige sampal niyo saakin! Ke- daya daya.

FAIRYTALE ✔️: | ONCE UPON A FLOWER THIEF | (THIEF SERIES #1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum