CHAPTER 10

135 75 21
                                    

__👑__

Runaway, Cinderella

Gaea Evergreen

I was cleaning the greenhouse, when someone came in. “Saan ko pwedeng ilagay ang mga ito?” Tanong ni Yttrio habang buhat- buhat ang tatlong kahon ng mga halaman. Itinuro ko ang hindi okupadong spasyo sa kaniyang gilid, “There.” Kaya ito’y kaagad niyang ibinaba sa nasabing pwesto.

“Alagang- alaga ka talaga rito noh?” Tanong niya habang inililibot ang kaniyang paningin sa buong paligid, kaya napasama rin ang aking mga mata. Hindi ko namang maiwasang mapangiti nang kumislap ang mga salamin nito, gayundin ang mga dahong diniligan ko.

“It’s my convenience.” Saad ko bago bumaba sa hagdan tinanggal ko ang aking gloves at ibinaba ito sa baitang ng hagdan. “Nasaan nga pala si Madame S? Madalang ko lang siyang makita ah.”

“Ah that, she’s preparing.” Sagot niya kasabay nito ang pagluhod niya sa harapan ng mga halaman, at nilaro- laro niya ang dahon ng mga ito.

“For what?” Nakataas kilay kong tanong sakaniya. “Ngek, dito ka na nga nakatira, ikaw pa ang huli sa balita.” Baling nito saakin.

“Ang ano nga?”

“It’s the King and Queen’s regression, tomorrow.”

Napaawang ako ng labi dahil sa sinabi nito. “Ang magulang ni Prinsepe ay uuwi bukas?” Hindi makapa-niwalang tanong ko sakaniya. Kinakabahan talaga ako, kasi sa tana ng buhay ko, ngayon ko lang sila makikita at makikilala. Since kid, I never had the chance to see them, or even know their names.

“If you’re not a deaf.” Insulto niya kasabay nito ang pagpitas niya ng halaman, bago tumayo.

“Hey!” Singhal ko sakaniya pero hindi ito umimik, imbes ay pinaglaruan niya ang bulaklak, gamit ang pagwasiwas nito sa ere. He entered his hand on his pocket, and started walking away, still playing at the flower.

“Be at your best tomorrow.” Paalala niya habang ikinakaway ang bulaklak sa aking pwesto. Napahinga ako ng malalim, nang siya’y mawala na sa aking paningin.

Stress hits again.

Tumingkayad ako ng kaunti at kaagad na pinitas ang preskong mansanas, bago ito ilagay sa aking basket. Nandito ako ngayon sa plantasyon ng mga prutas. Ang iba kasi rito ay pwede ng anihin kaya ako’y napunta rito. Ang dami na ngang laman ng aking basket, buti na lamang at marami itong paglagyanan.

Ini- angat ko ang aking paningin at ito’y tumama sa pinakapula at pinakalaking mansanas na ngayon ko lang makita. Ito’y ibang iba sa mga nakuha ko ng mga mansanas. Ini- unat ko ang isa kong braso at ito’y kaagad kong inabot. Pero ako’y nadismaya nang mapansing wala man lang sa kalahati ang distansya namin sa isa’t isa. Pero hindi ako sumuko at tumingkayad na sinamahan pa ng talon para ito’y maabot ko.

“Wohh!” Sigaw ko nang mawalan ako ng balanse, dahilan para ako’y mapadapa sa damuhan. Tumingin naman ako sa kaliwa’t kanan at kaagad na tumayo nang mapansing walang nakakita roon. Hindi lang kasi ako ang tao rito dahil may ilan ding mga trabahador na nagsisi- ani rin katulad ko.

Nang makatayo ay kaagad akong tumingala sa mansanas na pilit kong ini- aabot. I tried stretching my body again, but it couldn't budge.

“What are you doing?”

“Hah!” Napasinghap ako sa gulat nang bigla na lamang may impaktong nagsalita sa aking likuran. Lumingon ako sakaniya at napansing nakataas ang kilay niya saakin. “Im trying to reach that, Prince.” turo ko sa mansanas sa aking itaas.

FAIRYTALE ✔️: | ONCE UPON A FLOWER THIEF | (THIEF SERIES #1)Where stories live. Discover now