5 : Seething

75.6K 3.7K 2.1K
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


         Habang kumakain kami ni Silver, hindi ko mapigilang mapalingon sa mesa kung saan naroroon si Riley kasama ang dalawang babae; isa sa kanila yung babaeng tinititigan ni Apollo, tapos yung isa naman mukhang tanga na tawa lang ng tawa.

         Malakas ang tibok ng puso ko at nangangatog ang mga kamay ko dahil sa galit. Galit ako kasi sobrang bilis akong ipinagpalit ni Riley. May mga kaibigan agad siya. Pinagpalit na niya agad ako. Ang sakit lang.

        "You okay?" Silver asked as she ate her slice of ube cake.

        "Why wouldn't I be?" I raised an eyebrow and laughed to fake my anger.

         Ba't ba ako galit? Dapat sanay na ako! I should be used to people abandoning me. It happens all the time to me! I should stop feeling hurt!

       "Kaaway mo ba yung pogi?" tanong ni Silver kaya mas lalo akong natawa. Kaaway? I didn't even do anything to him! Bigla nalang siyang nang-abandona.

        "If kaaway kayo, you're doing a great job at annoying him so don't feel so bad." Walang kaemo-emosyong sambit ni Silver sabay thumbs-up.


****


         Nagising ako na parang may kumakalabit sa braso ko. Antok na antok pa ako kaya impit akong napaungol at hinayaan ang sarili kong madala muli sa kalaliman ng tulog.

         "Psst..."

        Naririnig kong may sumusutsot at mas lumalakas pa ang kalabit sa braso ko.

       I got so annoyed that I opened my eyes, ready to slap the person who's disturbing my sleep. I was more than ready to throw hands but what I saw scared the punk rock out of me and instantly made me scream at the top of my lungs.

        It was a pale face hanging up side down and her hair was flowing down; her deep emotionless eyes, looking at me with intensity.

          Napabalikwas ako at napabangon pero nakalimutan kong nasa ilalim nga pala ako ng isang double deck na kamang gawa sa makapal na uri ng kahoy.

        "Aray!" Napasigaw ako nang malakas at napahiga nalang ulit dahil sa sobrang sakit.

       "Okay ka lang?" The upside-down floating face asked and in that moment I remembered that I was staying in a room with Silver. Damn it! I should've taken the top bunk! Nakalimutan kong may sa elemento pala 'tong kasama ko!

       "Na alimpungatan ako!" Sarcastic kong sagot habang sapo ang noo kong sobrang sakit.

        "Ah... You should prepare now though. May 7am class ka pa." Kaswal nitong sambit. Mukhang hindi ata na-gets ang sarcasm ko.

The Rebel's RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon